Chapter31:Free

1K 65 4
                                    


NAMI:

Hindi ako nakatulog ng ayos kagabi.
O mas madaling sabihin na hindi talaga ako nakatulog.Naiwan akong tulala at maraming tanong sa isip sa mga katagang sinabi ni Third saakin kagabi.

"You are too busy to someone else.
That's why you didn't notice me."

Hindi naman ako tanga para hindi maintindihan ang sinabi niya.Did he just confessed to me in a different way?

Bwisit!halos magmukha na akong zombie sa eyebags ko.Wala talaga akong tulog dahil kada pikit ng mata ko ay parang naririnig ko ang boses niya habang sinasabi iyon.

Si Third?may gusto saakin?Putek!paano nangyari yon samantala dati ay puro bangayan lang kami.Hayy nako!
Itigil ko na nga itong kakaisip at makakilos na.

Academic year nga pala namin ngayon.Which is good.Hindi ko makikita si Third dahil siya ang magtuturo.

--

Haggang sa makarating akong school ay lutang ang isip ko.

"Uyy Nami,goodmorning."

Halos mapatalon ako sa gulat ng makita si Dex na nasa tabi ko na habang nakangiti.

"Ahh goodmorning."-sabi ko saka nagpatuloy sa paglalakad.

"Mukhang hindi ka nakatulog ng ayos ah."-natatawang sabi niya.

"Ayun nga e!Wala talaga akong tulog simula kagabi."-Sabi ko.

"Bakit naman?"

"THIRD!"

Nawala ang atensyon ko kay Dex ng may bigla akong narinig na sumigaw na babae.Ano?tinatawag niya si Third.

Huminto si Third sa paglalakad saka hinarap ang babae.Tinignan ko iyon babae at masasabi kong maganda siya.Malaki ang hinaharap,mukhang anghel.

Ewan ko ba,pero hindi maalis ang tingin ko sakanila habang nag-uusap si Third at iyong babae.Nakangiti pa ng todo iyong babae kay Third.Akala mo naman ngingitian ka niyan pabalik?

Nakoooo.Si Third yan!Sa sobrang sungit niyan hindi ka ngingitian niyan.

Halos magulat ako at kulang nalang ay kusutin ang mga mata ko ng makita kong umangat ang mga gilid ng labi ni Third.What the?Did he just smile to her?

Eh ano naman ngayon Nami?!

"Uyy Nami?ayos ka lang."-tanong saakin ni Dex.

Oh shit.Andito pa pala itong lalaking ito.Tinignan ko siya at halatang nagtataka siya.

"A-ahh oo.."-sabi ko.

Nakita ko siyang napailing.

Naglakad na ulit kami at saktong pag daan namin kung nasaan sila ay Third ay bigla nanaman nagtanong itong si Dex.

"Namumutla ka.Are you sure you are okay?"-tanong niya.

Hindi ako nakatingin kay Dex dahil nakatingin ako kay Third na hindi man lang tumitingin saakin.Busy pa rin doon sa pakikipag-usap sa babae.
Ahh ganon?hindi niya na talaga ako papansinin?okay fine!bahala siya diyan.

"Nami--

"Ayos nga lang ako!"-Halos pasigaw kong sabi kay Dex dahilan para mapatingin saamin ang ibang estudyante.

"May problema ba?"-

Napatingin ako sa babaeng lumapit saamin ni Dex.Siya iyon!yung babaeng kausap ni Third.Nakita ko din si Third na nasa tabi nung babae at nakatingin saakin.Kaya lang sobrang seryoso ng mukha niya habang nakatingin saakin.

Section D [Completed✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon