Chapter8:Rain

1.6K 87 3
                                    


NAMI:

Lahat kami ay bagot na bagot dahil bukas ay exam na.Wala pa kaming teacher at pinagsabihan lang kami na mag-aral buong araw para sa nalalapit na pagsusulit.

"Nami itigil mo na iyang pag-aaral mo.
Maglalaro kami sa field,sama ka?"-Tanong ni Taki saakin.

"Kayo nalang."-Maikling sabi ko at tinuon ulit ako atensyon ko sa libro.

Apat na oras na akong nag-aaral at tatlong subject pa lang ang natatapos kong aralin.5 subjects to go!

"Okay sige.Bantayan mo bag namin ah?"-Pahabol niya saka sila lahat lumabas.

Napailing naman ako habang tumitingin sa paligid.Mas mabuti na rin yung ako lang mag-isa sa classroom.Mas makakapag focus ako.

Habang busy ako sa pag-aaral may kumatok naman sa pintuan ng room kahit bukas ito.

Napatingin ako doon at nakita ko ang babae,ano nga ulit pangalan nito?Ah basta ito yung babae na tinulungan ko si Warren.

"Uhh,asan si Warren?"-Nakangiting tanong niya.

"Baka nasa field.Iniwan nila ako lahat e."-Sabi ko at tumango naman ito saka lumapit saakin.

Inabot niya saakin ang isang paper bag na maliit na ikinataka ko.Sa itsura pa lang ng babae ito halatang mayaman siya.

"Para saan to?"-Tanong ko sakanya.

"Gusto ko lang magpasalamat.Gusto rin kitang maging kaibigan."-Sabi niya.

"Ahhh?Ganun ba.Hehe."-Akward na sabi ko dahil hindi ako makapag-aral!
nawala na nga yung mga tukmol pero siya naman itong pumalit.

Akala ko makakareview na ako ng matiwasay pero hindi pala.

"Oo nga pala!Ako si Shamie.Paano ba yan mauna na ako?Sabi ko kasi sa teacher namin e magccr lang ako haha."-Sabi niya bago umalis ng room.

Napatingin naman ako sa paperbag na binigay niya at binuksan iyon.

May maliit na pahabang box kaya maman binuksan ko ulit iyon at nakita ko ang laman non.

Kinuha ko ang kwintas at naamaze sa ganda non.Mahal to ah!nakikita ko ito sa mga jewelry shop at libo ang presyo nito.

Sinuot ko iyon saakin at bumagay naman.Pero hindi ito ang panahon para magsaya ako,hindi pa pala ako tapos magreview.

Tinuon ko ulit ang atensyon ko sa pagbabasa ng libro.Sabi nga nila "Familiarize not memorize" naniniwala ako doon kaya ang ginagawa ko binabasa ko ng paulit-ulit at hindi ko sinasaulo.

Bigla naman akong napatingin ng pumasom si Dex.Akala ko ba e sasama siya sa paglalaro sa field?Bakit siya andito.

Tinignan ko siya sa gilid ng mga mata ko at umupo siya sa isang silya.

Nanahimik naman ako.Ayoko siyang kausapin noh.

"Study hard huh?"-

Napapikit naman ang mata ko dahil sa gigil.Napayukom din ako ng aking kamao saka huminga ng malalim.

Kumalma ka Nami.Baka magkagulo pa kapag pinatulan mo ang lalaking iyan.

"Yeah.Para makaalis na ako dito sa section niyo.Ayun naman gusto mo hindi ba?"-Sarcastic na sabi ko saka tinignan siya.

Matagal siyang hindi nakaimik at nakatitig lang saakin kaya naman nailang ako at nagbasa nalang ulit ng libro.

"That's good."-Sabi niya kaya naman mas lalo akong naasar.

Hindi na ako nakapag pigil pa at hinarap siya.

"Ano bang problema mo saakin?Nung mga nakaraan araw naman ay ayos pa pakikitungo mo saakin ah."-Sabi ko dahil hindi ko na talaga siya magets.

Section D [Completed✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon