Chapter22:Cold

1.2K 70 0
                                    


NAMI:

"Balitang,balita!ang nag-iisang babae sa section D ay kadate nga ba si Dex?
ano ang masasabi mo dito?"-Ren

Napakunot ang noo ko sa kalokohan ng mga tukmol kong kaklase.Kanina pa kasi nila ako ginugulo dahil sa nakita nilang picture namin ni Dex na magkasama kahapon.

"Nami Salvador,ano ang masasabi mo?totoo ba ang balitang aming nalaman na nanliligaw na daw sa'yo?"-Taki.

"May pag-asa ba?"-sunod na tanong ni Ren.

Pinalo ko ang mga kamay nila na nakatutok pa malapit sa bibig ko at ginawa nilang mic iyon.

Napakadaming tanong ng mga tukmol
pwede na silang maging reporter.

"Mag tigil nga kayo,kanina niyo pa ang ginugulo ha."-sabi ko.

"Eh paanong hindi ka namin guguluhin.Ang sweet niyo kaya sa mga photos oh!"-sabi ni Ren at ipinakita pa saakin ang mga pictures namin ni Dex kahapon.

"Purket lumabas lang kami ay date na ba iyon?"-sabi ko.

"Kahit na noh!iba pa rin kapag kayong dalawa lang yung lumabas at nag bonding.Tapos may couple bracelet pa kayo."-sabi naman ni Taki at tinuro ang bracelet ko.

"Huwag niyo nang guluhin si Nami,
nililigawan ko siya.Ayos na ba?"

Napatingin kaming lahat sa pintuan at andoon si Dex na nakangiting nakatingin saakin.

Tinignan naman ako ng mapang-asar ng mga tukmol na ito.Talagang umupo pa sila at pinag-gitnaan ako sa upuan.

"Kapag sinagot mo siya anong cs niyo?"-panimula ni Ren habang nang-aasar na nakatingin saakin.

"Cs?"

"Bonak ka talaga Nami!Call sign."-sabi naman ni Taki saka tumawa yung dalawa.

"Bakit niyo ba tinatanong?Mga chismosong tukmol kayo ah!"

"Baka,love magiging tawagan nila."-sabi ni Ren.

"Pupusta ako.Baby magiging cs nila."-Taki.

"Oyy sali sa pustahan!Babe ang magiging cs nila."

"Hindii,cupcake!"

"Darling!"

"Bebe loves"

"Bebe."

"Manahimik nga kayo!kung ano-anong mga trip niyo."-sabi ko at nanahimik naman ang mga tukmol.

"Nga pala Nami,tawag ka ni ma'am nasa faculty.May sasabihin daw."-Warren

"Huh bakit ako daw?"-tanong ko.

"Eh kasi wala yung president natin."-sabat naman ni Ren.

Napatingin naman ako sa upuan kung saan naka-upo si Third at napansin kong wala nga siya doon.Absent?first time ata umabsent ng tukmol na iyom ah.

Bakit kaya?

Naisip ko naman yung huling pag-uusap namin kagabi.Nanibago talaga ako sa kinilos niya.Oo masungit siya tska palaging may topak pero hindi siya ganoon umasta.Yung mga mata niya din e wala akong mabasang emosyon.Ewan ko ba.

Lumabas na ako ng building namin saka naglakad papuntang main dahil doon ang faculty room.Ano naman kayang sasabihin ni ma'am?

Nakarating naman kaagad ako saka hinanap ang aming adviser.Nakatayo na ako sa harapan niya ngayon habang siya ay busy sa pagtitingin sa mga papel.

"Miss Salvador,wala ka naman ginagawa hindi ba?"-tanong ni ma'am saakin at tumango naman ako.

Wala naman kaming lesson dahil hindi nanaman kami pinapasukan ng magagaling naming teacher.Kaya nakatunganga nanaman kaming lahat doon.

Section D [Completed✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon