Chapter28:Baby?!

1.2K 68 0
                                    


NAMI:

"Talaga ijo?top 1 ka sa klase niyo?"

Halos mamangha ang mga magulang ko nung nalaman nilang top 1 si Third saaming klase.At oo,nagdidinner kami ngayon ng sabay-sabay at sila ay nag-
Kukwentuhan.Ako naman ay nakikinig lang sakanila habang nakain.

"Ahhh opo.Si Nami po ay top4."-sabi naman ni Third.

Dahil doon ay napatingin ako sakanya na todo makangiti sa mga magulang ko.Ganoon ba sila kaclose ng parents ko?pati paano sila nagkakilala.

"Talaga baby?!bat hindi mo sinabi saamin."-sabi ni mom na gulat na gulat ay si dad naman ay ganoon din.

"Matagal ko na kayang sinabi sainyo.
Hindi niyo lang napansin dahil busy ka'yo sa bussiness."-nakasimangot kong sabi.

Natuwa naman ang mga magulang ko nung nalaman iyon.Nagbago na daw ako.Pero para saakin hindi pa din talaga ako totally na nagbago.Mas magandang sabihin na NAGBABAGO pa lamang ako.

Nagulat naman ako ng siniko ako ni Third dahilan para mapatingin ako sakanya.Nakangisi siya saakin kaya naman kumunot ang noo ko.

"Babyy pala ah.Hello baby Nami."-pang-aasar nito.

O__O

Bwisit na lalaking to!napakalakas pa ng pagkakasabi niya.Napatingin ako sa mga magulang ko na halatang nagulat din sa sinabi ni Third.

"A-ahhh..ang tawag niyo pala kay Nami ay baby hehe."-akward na sabi ni Third sa mom ko.

"Oo!kasi siya ang nag-iisa naming anak at kahit na malaki na iyan ay para pa din siyang baby."-sabi ni mom.

"Maaa!"-sabi ko at natawa naman sila.

Nakita ko pang tumango-tango si Third habang nakangiti at binubulong ang katagang "baby".Adik ba siya?

Natapos ang dinner namin at nag-usap pa sila ng kaunti.Ang weird nga dahil halata sa mga magulang ko na gustong-gusto nilang kausap itong si Third.Pero curious pa din talaga ako kung paano nakilala ni Third ang mga magulang ko.

"Uuwi na po ako."-magalang na sabi niya.

Napangisi naman ako.Aba,magalang pala ang tukmol na ito?Ang bait niya sa harap ng magulang ko pero nakuuu
Kung hindi niyo lang alam mom at dad may topak iyang lalaki yan.

Nagulat na lamang ako ng higitin ako ni mom patayo sa kina-uupuan ko.
Tinignan ko pa siya na parang nagtatanong kung bakit at tinulak niya ako papalapit kay Third.

Nadali ko naman si Third kaya napalingon siya saakin.

"O bakit ka nakatingin?umalis kana."-sabi ko.

Tumango naman siya saakin saka lumabas na.Sumunod naman ako dahil tinulak nananam ako ni mom.
What's their problem?!

Naiilang pa nga din ako kay Third dahil sa sinabi niya saakin kanina.
Hindi ko kasi matanggap!ano daw?
Hinalikan ko daw siya.Hindi ko ata magagawa iyon.Malabo.Pero kung nagawa ko man iyon marahil ang tanging dahilan ay lasing lang ako.

"Are you still mad at me?"-tanong niya habang naglalakad kami papunta sakanyang kotse.

Nakatalikod siya saakin dahil siya ang nauunang maglakad habang ako ay nakasunod lamang sa likod niya.

"Hindi!naaasar lang ako."-sabi ko.

Dahil doon ay napatigil siya at hinarap ako.Nakangiti nanaman siya!
May kakaiba talagang nangyayari sa atmosphere ngayon.Panay ang ngiti ng lalaking ito.Samantalang noon ay parang babae siya na palaging may menstruation.

"Tsss.Ayos lang saakin yon.Kahit nga halikan mo pa nga ako ng maraming beses ay mas lalong okay."

Napakunot naman ang noo ko at binatukan siya.Huwaww first time ko ata iyon nagawa sa tukmol na ito.
Ang buong akala ko ay magagalit siya sakin pero tumawa siya.

Section D [Completed✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon