Chapter19:First kiss >.<

1.4K 69 9
                                    


NAMI:

Tapos na ang aming tatlong araw na pamamalagi doon sa pinuntahan namin.Ang masaklap pa,may pasok pa ngayon!

Dapat pagpahingahin muna nila kami.Nakakapagod kaya sa buong camping na iyon.Nagtataka nga ako e,
Akala ko ba camping pero hindi naman kami sa kagubatan natulog at sa loob ng maliit na tent.

Pero kuwento saakin ni Taki kahapon e para daw sa kaligtasan ng mga estudyante.Nung last year daw kasi na nagcamping sila sa ganun ay may nawalang isang schoolmate nila.

Bumangon na ako sa kama ko kahit antok na antok nako.Bwisit!Napaka-aga pa at tinatamad akong pumasok.

"Ma'am Nami,bumaba na daw po kayo sabi ni madam."

"Yeah.Pababa na po."-Sabi ko doon sa yaya.

So andito pala ang mga magulang ko?
Tssss.Ang tagal naman nila bumalik!
Ang tagal nilang nawala ha.

Pumunta na ako cr para maligo matapos non ay nag-ayos na ako para kakain nalang.Bumaba na ako sa hagdan at nakita kong busy kumakain si mom habang si dad naman ay may hawak na newspaper.

"How's school?"-Tanong ni dad.

"Good."-maikling tugon ko saka nag-umpisa ng kumain.

"Aalis ulit kami ng dad mo,5 months kaming mawawala."-Panimula ni mom.

Sanay naman na ako na wala kayo.Ni wala mga kayong time sa sarili niyong anak pero pagdating sa bussiness andami niyong oras.

"Uuwi na din ang ating mga maids sa probinsya nila.Matagal na din silang hindi nakakapagbakasyon."-Sabi naman ni dad.

"Whatt?Eh sinong kasama ko dito sa bahay?"-Tanong ko sakanila habang gulat na gulat.

Ayos lang naman saakin na mag-isa ako dito sa bahay.At least walang maingay.Pero ang problema ko ay sino ang magluluto ng pagkain ko?
Hindi ako marunong magluto!

"You can bring some friends if you want."-Sabi ni mom.

"No.no.Tatawagan ko ang anak ni Chairman Alonzo."

Nabilaukan ako habang iniinom ko ang aking kape.

"Oh my!baby are you okay?Mag dahan-dahan ka kasi."-Sabi ni mom habang hinahagod ang aking likod.

Ano daw?!Anak nung chairman Alonzo?

"Uhmm dad.Kaya ko naman mag-isa,
nakakahiya naman kung makaka-abala pa tayo ng ibang tao diba?Tska malaki na ako!"-Sabi ko.

Sana naman gumana ang explanation ko!

"No.Hindi puwede mag-isa ka lang dito sa bahay dahil baka gumawa ka ng kalokohan."-

Napasimangot naman ako.Hindi pa rin talaga nagbabago ang tingin saakin ni dad.Para sakanya,isa pa rin talaga akong trouble maker.

May tinawagan na sa phone si dad at tumatawa pa itong si dady na para bang enjoy na enjoy doon sa kinakausap niya.

Putangina!

Marami namang Alonzo na apilyido sa buong mundo di'ba?hindi lang naman si Third ang may ganoon na last name.

Tama Nami.

"Paparating na siya.Aalis na muna kami ng mom mo ah?Take care."-Sabi ni dad at tumayo na sa kinauupuan.

"Huwag kang mag-alala anak.Mabait ang anak ni Chairman Alonzo."-Sabi naman ni mom saka sila umalis na nag bahay.

Hindi ko na natapos pa ang kinakain ko dahil nawala na ako ng gana.Saktong pagtayo ko sa kinauupuan ko ay may nagdoorbell.

Section D [Completed✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon