Chapter13:Birthday

1.5K 83 4
                                    


NAMI:

"Matagal pa ba iyan?Kailangan na natin ipasa yan kay maam!"

"Putek eto na!tinatype ko nalang yung last stanza."-Sabi ko habang nagtytype sa keyboard.

Mabilis ang bawat galaw ng mga kamay ko dahil haggang ngayon nalang ang pasahan nito.Putek naman kasi itong kapartner ko e,walang ambag!

"Oh ayan.Paprint mo nalang para naman may maiambag ka!"-Sabi ko kay Ren.

Tumango naman siya saka pinrint ang ginawa ko.Ano ba yan!Ang malas ko naman sa kakampi ko.Dapat pala si Taki nalang e,at least alam kong tutulungan ako.

Lumabas na kami ng computer room at saka nagtatakbo si Ren papuntang main building para ipasa na ang aming project.

Pumasok nalang ako sa room dahil sobrang sakit ng ulo ko at masakit pa rin ang ilong ko.Parang naubos yung laman ng utak ko sa kakaisip kung ano bang ilalagay ko don.

"Nami,ayos ka lang?"

"Mukha ba akong okay?"-Pagtataray ko kay Taki at bigla siyang tumabi saakin habang nakangiti.

"Tapos na kayo sa project niyo?"-Tanong niya.

"Oo putek!halos ako lahat ang gumawa."-Pagsasalita ko at natawa naman itong si Taki.

"Nga pala,pupunta ka ba?"-

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Saan naman?"-Tanong ko sakanya.

"Sa birthday ni master Third!"-Sabi niya saka may kinuha sa bag niya at isang maliit na envelope iyon.

Binuksan niya iyon saka pinakita saakin ang invitation card.

"Do I look like Im invited?"-Sabi ko.

"Ay oo nga pala noh!Mag LQ nga pala kayo ni Third--

"Anong LQ?!Hoyyyy!mandiri ka naman sa sinasabi mo."-Sabi ko at binatukan siya.

Napatigil naman ako ng pumasok sa room ang pinuno ng mga tukmol.

Speaking of the devil!

"Ewan ko sainyo!bakit kasi hindi ka nalang makipag-bati sakanya?"-

Inirapan ko si Taki nang dahil sa sinabi niya.Hinding hindi ko gagawin yun.

"Bakit ko naman gagawin yun?Matapos ng ginawa niya saakin."-Sabi ko at itinuro ang ilong kong namumula.

"Oo nga e,ginawa ka niyang reindeer."-Natatawa sabi ni Taki.

Nang-asar pa ang isang to!mabuti nalang at hindi masyado mainit ang ulo ko ngayon.Dahil kung hindi,kanina pa saakin patay itong si Taki.

"Happy Birthday pree!patanda kana ng patanda."-Rinig kong bigkas ni Warren.

Marami din bumabati sakanyang mga kaklase kong tukmol.At nalaman ko din na lahat sila ay invited,maliban saakin.Pero ano bang pake ko sa birthday party niya?ano naman kung hindi ako invited!

Mas gusto ko pang mamahinga sa bahay at manood ng movies.

--

Mabilis na naubos ang oras at uwian na.Buong araw ay wala akong naintidihan sa lesson dahil gusto ko nang mamahinga.

"Basta mamaya ah?"-Usapan ng mga tukmol.

Sabay-sabay naman sila naglabasan sa room at naiwan kaming dalawa ni Third sa loob ng room.Nahulog naman ang mga notebooks ko kaya pinulot ko iyon lahat.

Pagtingin ko sa paligid,wala na si Third.Bilis naman mawala ng tukmol na iyon!

Tumingin ako sa table ko at meron doon isang kulay white na envelope na katulad nung ipinakita saakin ni Taki kanina.Binuksan ko iyon at napasimangot ako ng makitang iyon ang invitation card.

Section D [Completed✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon