Chapter15:Sorry

1.5K 85 8
                                    


NAMI:

"Iniiwasan mo ba ako?"

Napaiwas naman ako ng tingin kay Dex ng sabihin niya ang mga iyon.
Hindi ba obvious?

Andito kami ngayon sa rooftop dahil inaya niya ako na mag-usap kami.Wala naman na akong magawa ng hilahin niya ako papunta dito.

"Oo,ano naman sa'yo ngayon kung iniiwasan kita?"-Sagot ko.

"Bakit?"-Seryosong tanong niya.

"Bakit nga din ba,Dex?"-sabi ko.

"What do you mean?"-naguguluhan na tanong niya.

"Ang buong akala ko ay ikaw ang nagligtas saakin.Hindi naman pala."

Natahimik naman siya sa sinabi ko.

"Nadisappoint lang kasi ako--

"Sorry."

Napatingin ako sa mga mata niya at nakikita ko na sincere siya habang nakatingin saakin.

"Bakit mo iyon ginawa?Kung hindi pa ako nagpaniwala sa sarili ko hindi ko pa malalaman na si Third iyon."-Sabi ko.

Napayuko naman siya.

"Ginawa ko din iyon para mapaamin si Third."-Sabi niya.

Naguluhan naman ako sa sinabi niya.

"Nung oras kasi na iyon alam kong wala siyang balak na umamin.Kaya naman naisip ko na sabihin na ako iyon.Ang buong akala ko ay aamin siya--

"Pero hindi!kaya napaniwala mo ako na ikaw talaga yon."-pagputol ko sakanya.

"Sorry na nga e!"-Sabi niya.

"Huwaww ah!hindi naman sincere iyang pag-sorry mo saakin."-Sabi ko.

Aalis na sana ako pero hinila niya ulit ako pabalik sakanya.

"Sorry.Hindi na po mauulit."-Sabi niya na parang maamong bata.

Hindi ko naman na maiwasan ang mapatawa dahil sa itsura niya.Para siyang isang maliit na pusa na nag-sosorry sa amo niya dahil may nagawa na kasalanan.

"Oh,bakit ka natawa?"-Sabi niya at bumalik nanaman sa pagsusungit.

"Para ka kasing pusa!ang cute."

Natahimik naman siya sa sinabi ko at napatulala saakin.Narealize ko naman ang sinabi ko.

Ano Nami?!bakit mo sinabi iyon?Nakakahiya!

"A-ahh ano..ang ibig kong sabihin ang cute ko!Hehe."-Sabi ko at bumaba na ng hagdan.

Nakasunod naman siya saakin kahit na ang bilis ko nang bumaba sa hagdan.Ang akward.

"So,hindi mo na ako iiwasan?"-Tanong niya.

"Pag-iisipan ko."-Pagbibiro ko.

"Whatt?"-Angal niya.

Magsasalita pa sana siya kaya lang ay pinatahimik ko siya.

"Joke lang!hindi ka mabiro ka e."-Sabi ko.

Nang naglalakad kami sa hallway ni Dex papuntang room ay nakasalubong namin si Third at nakita ko rin na tumingin siya saakin.

I mean saamin pala.

"Nami."

Napatigil ako sa paglalakad at ganun na din si Dex.Tumingin ako kay Third na tinawag ako.

"Samahan mo akong ibalik ito."-Sabi ni Third at napatingin ako sa mga librong hawak niya.

Ano ba iyan!nakakatamad pumunta sa library e,sa main building pa iyon.

Section D [Completed✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon