Chapter32:Confession

1.1K 62 1
                                    


NAMI:

Naiinis ako!Dapat pala ay hindi nalang ako pumasok ngayong araw.
Ang student-teacher kasi na nagtuturo saamin ay si Sierra.Yung mga tukmol tuloy ay ganado na makinig sakanya.

Sino ba naman kasi hindi mabibighani sa kagandahan ng babae
ito?Mahaba ang buhok,singkit ang mga mata.May mala-porselanang kutis.Tapos yung ngiti niya pa na nakahahawa.Yung tipong kapag ngumiti siya sa'yo ay automatic ka na din na mapapangiti.

Kaya siguro ngumiti sakanya si Third.
Tsss..bwisit na yan!siya nanaman ang nasa isip ko.

"Type ba ni Third ang magagandang babae?"

"I don't know.Kahit matagal na kaming magkakilala non ay hindi ko alam ang gusto niya sa isang babae."

Tumango-tango naman ako sa sinabi ni Dex.

"But I think it's a yes."-dagdag pa nito.

"Huh?bakit mo nasabi?"-Tanong ko.

"He likes you.So that means he likes pretty girls."

Hindi ko naman alam ang sasabihin ko.So maganda din ako?sympre naman oo!alam ko iyan sa sarili ko.
Kaya lang hindi ko pa rin talaga maitanggi na maganda itong si Sierra.
Matalino pa at saka mabait.

Pero matalino din naman ako saka mabait ah?Teka nga!bat ko ba pinag-
cocompare?

"Nami,right?"

Natigil naman ako sa pag-iisip ng banggitin ni Sierra ang pangalan ko.
Nakangiti siya saakin ngayon.

"Ahh yes."-sabi ko saka siya nginitian ng pilit.

"Can you solve this equation?"

Napatingin naman ako sa board at doon nakasulat ang mga numero pinapasagutan niya saakin.MATH?!

ngayon ko lang narealize na math pala ang tinuturo niya.Kung saan na kasi napunta ang isip ko.Nag alinlangan naman akong tumayo at nakatingin lang doon sa mga numero.

"You don't know the answer don't you?"-sabi ni Sierra saka ngumiti saakin.

Hindi lang basta ngiti dahil may kakaiba sa ngiti niya.Para bang nang-
aasar siya.

"You are top 4 in this class.But I'm surprised you didn't know how to solve this equation."

Kaagad naman nanlaki ang mga mata ko at nakita ko pang ngumisi siya.
Anong sabi niya?Nakikipag-away ba siya saakin?

"Anyone who can solve?"-tanong pa nito.

Tumayo naman ako sa kina-uupuan ko saka siya hinarap.

"For your information,Sierra.Hindi lahat ng kasali sa top ay alam ang lahat.Tulad ko,nasa top ako.Oo.Pero may isang subject na kahinaan ko.
Sabihin na natin na ang math."-

Nakita ko naman ngumisi ulit ang babaeng ito saakin.

"How about you?sa tingin mo ba.
Porke matalino ka ay alam mo na ang lahat ng bagay?"-Taas kilay na sabi ko sakanya.

Lumapit naman ako sakanya saka siya nginitian ng mapang-asar.

"I can do all things.Iyang equation na iyan?It's just a piece of cake for me."

Napataas naman ang kilay ko saka nagseryoso ang mukha.Ayoko talaga ng ginagalit ako.

"Oh really?Okay.Let's just say that you can do all things interms of academics."-sabi ko.

Nakita ko namang napangiti siya.

"Pero.Iyan bang ugali mo ay hindi mo aayusin?You just look like an angel but deep inside you're a devil!"-dagdag ko.

Section D [Completed✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon