Chapter7:Quizbee

1.7K 91 3
                                    


NAMI:

Kinakabahan ako at hindi mapakali habang nakaupo sa backstage.Ngayon na kasi ang laban ko sa quiz bee.

Tinuon ko talaga ang oras ko sa pag-aaral ng MATH nung sabado at linggo.Ayun nga lang wala akong magets.

Pinagtitinginan pa ako ng taga ibang section na para bang kinaliliitan ako.

Umayos ako saaking pagkakaupo,ang sabi saakin ni Mrs.Dizon parating na daw yung kapartner ko,asan na siya?!

"To all the contestant of our school,let me present you the SECTION A.Ghail Dela Cruz and Earl Villanueva."

Ow shit!Pinapakilala na yung mga sasabak,umaakyat na din sila ng stage.Kung sino man yung hinayupak na kapartner ko mapapatay ko iyon!

Natatakot tuloy ako dahil baka hindi ako siputin.At baka ending ako lang mag-isa sasabak sa quiz bee na ito.Bahala na!

Pero nakakahiya naman kila Taki at Ren na talagang may pabanner pa!Kailangan ko pa rin galingan dahil sayang ang effort nung dalawang tukmol.

Section C na ang tinawag kaya naman tumayo na ako sa likuran ng representative ng section C dahil 'D' na ang sunod na tatawagin.

Bahala na!

"And lastly,for the section D we have Nami Salvador and Liam Third Alonzo."

Umakyat na ako ng stage na ako lang mag-isa pero may humigit saakin kaya napalingon ako don.

HUWATTTT?!

Siya ang kapartner ko?

Hinila niya na ako papuntang stage at ako ay nakatulala pa rin sakanya.

Liam Third Alonzo...

Pawisan siya at halatang tumakbo para makapunta agad dito.

Tinaasan niya naman ako ng kilay ng mapansin niyang nakatitig ako sakanya kaya napaiwas ako.

--

Nagumpisa na nga ang laban!Lahat ng section ay may score na kami ay wala pa.Pakingshet!ang tatalino naman ng mga to.

Edi kayo na magaling sa math.

Ito naman tukmol na katabi ko hindi nagsosolve ng problem kaya olats kami!

Nagsalita na ang emcee para sa susunod na problem,napansin ko na kaagad nagsulat si Third sa maliit na board na hawak niya.

Tinignan ko lang ang sinusulat niyang equation at hindi ko maiwasan ang mamangha.Putek!paano yon?

Pinindot niya ang maliit na bell na nasa desk namin kaya napatingin saamin ang lahat.Kami naman ngayon ang nauna!

Tinaas niya ang hawak niyang board at nagsalita ang emcee.

"Okay we have a correct answer from section D!"-Nakangiti sabi ng emcee.

Yung mga ibang section naman ay parang nadismaya.Gustong gusto ko tuloy silang belatan at asarin dahil ang yabang yabang nila kanina.

Sinabi na ulit ang sunod na problem at nagsulat ulit itong katabi ko at kami nanaman ang nakakuha ng tamang sagot!

Lumipas ang mga minuto palagi kami ang nakakuha ng tamang sagot.Hindi ko tuloy maiwasan mamangha sa tukmol na ito.

Matalino pala siya e,bakit siya nasa lower section?

Kaunti nalang at malalamangan na namin ang puntos ng taga ibang section.Hindi kami magpapatalo.

"Tsss.Why dont you try to solve?Wala kang ambag ah."-Sabi nitong si Third,ang pinuno ng mga tukmol.

"Malay ko niyan."-Sabi ko at sinungitan din siya.

Section D [Completed✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon