Chapter27:KYOT

1.2K 70 1
                                    


NAMI:

"Nami bumangon kana diyan!"

Ano ba yan!sino ba yung kanina pa tawag ng tawag saakin?ang pagkaka-
alam ko mag-isa lang naman ako sa bahay.Nanaginip pa rin ata ako.

Bigla nalang akong napamulat ng may humigit saaking kumot.Kinusot kusot ko pa ang mata ko saka napahawak sa aking ulo.Ang sakit!napadami ata ako ng inom kagabi kaya may hang-over pa.

"M-mom?!"-gulat na sambit ko nang imulat ko na ng tuluyan ang aking mata.

Nakita ko ang tingin niya saakin na sobrang seryoso.Teka!akala ko ba limang buwan pa sila bago umuwi?
anong ginagawa nila dito?kailan sila umuwi?patay talaga ako nito kapag nalaman nilang naglasing ako at kasama ko pa talaga lalaki.

"Ano masakit ang ulo mo?Bakit ka nag-inom kagabi?"-seryosong tanong ni mom habang nakatingin saakin.

Umayos naman ako ng pag-kakaupo sa kama at minasahe ang saking ulo.
Shit.Sobrang sakit,ngayon ko lang naramdaman ito.Hindi naman kasi ako sanay mag-inom e,nadala lang talaga ako ng emosyon ko kagabi.

"At talagang nakakahiya ah!buhat buhat ka ni Third na inuwi dito.
Inihatid ka pa sa kuwarto mo."-sabi ni mom habang napailing-iling.

"Teka,kailan pa ka'yo dumating?"-tanong ko dahil naguguluhan na talaga ako.

Nakita ko namang pinandilatan niya ako ng tingin.

"Nami!huwag mong ibahin ang usapan."-sambit niya.

Hayss oo na!wala na akong takas dahil mukhang kagabi pa sila andito at naabutan akong ganoon ang itsura nung umuwi.Ano naman kayang sinabi ni Third?

"N-nagkatuwaan lang po kami ni Third kaya ayun..."-sabi ko nalang.

Ayaw ko kasing sabihin pa sakanila ang totoong dahilan kung bakit ako nag-inom.Ayoko nang ipaalam pa sakanila si Dex.

"Ay siya bumangon kana diyan!baka malate ka pa sa school.But next time huwag mo nang uulitin ah?"-sabi niya.

Napatango naman ako sa sinabi niya.

"Mabuti na lamang at mabait na bata si Alonzo at wala siyang ginawang masama sa'yo.Nakuu Nami kung ibang lalaki ang kasama mo kapag lasing ka ay baka magkaroon kami ng apo ng dady mo!"

O__O

Tekaaa!sobrang sakit na nga ng ulo ko mas lalo pang pinapasakit ni momy.
Mabuti nalang at lumabas na siya ng kuwarto habang ako ay kumilos na kahit masakit ang ulo ko.

At ano daw?buhat-buhat daw ako ni Third kagabi at inihatid pa sa kuwarto?Ano ba naman iyan!nakakahiya naman sa tukmol na iyon
naistorbo ko pa.

Pinilit kong maalala ang mga nangyari kagabi pero kakaunti nalang ang natandaan ko.Ang alam ko nalang ay yung hinila ko siya papuntang bar at haggang doon lang.Sana naman wala akong ginawang kalokohan nung gabing iyon dahil nakakahiya talaga kay Third.

Matapos kong magbihis at mag-ayos ay bumaba na ako.Nasa hapag kainan sila habang kumakain.Ang dad ko naman ay sumulyap saakin.

Mukhang papagalitan din ako ng isang ito ah.Napagalitan na nga ako ni mom e!

"Masakit ulo mo?"-tanong ni dad nung umupo ako sa hapag-kainan at ako naman ay tumango.

Pero nagtaka ako dahil hindi na siya umimik pa.Ready na nga yung ears ko kung sakaling sesermonan niya din ako.Tahimik lang akong kumakain habang sila ay nagku-kwentuhan about bussiness.Ano ba yan,hindi ko maintindihan ang topic nila.

"Nga pala baby,imbitahan mo mamaya si Third na dito na magdinner saatin.Okay?"-sabi ni mom.

Bigla nanaman akong nasamid saka uminom ng tubig.Bwisit!bakit?

Section D [Completed✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon