Chapter16:Third vs Dex

1.5K 72 1
                                    


NAMI:

"Andito na tayo saating destinasyon,
Maaari na kayong pumasok sa building na iyan."

Tumango ang lahat saka sumang-ayon.Pumasok na kami sa isang malaking building na maraming mga rooms.Ang sosyal nga e para kaming nasa isang mamahalin na hotel.

Andito kami ngayon at naghihintay sa lobby,may lumapit saaming lahat na isang babae.

"Hello I am Marianne,ako ang tour guide niyo for today.So ngayon,bubunot kayo dito para alamin ang mga rooms niyo at kung sino ang roomates niyo."-Sabi nito habang nakangiti.

"Excuse me miss?Magkahiwalay ba ng kuwarto ang babae at lalaki?"-Tanong ni Ren.

Binatukan ko naman ito,nagtanong pa talaga e obvious na ang sagot diyan.
Alangan naman ipagsama.

Bumunot na ako sa kahon na kulay pink dahil dito ang bunutan ng mga babae.Sa lalaki naman kulay blue.

Pag bunot ko kaagad ko itong tinignan at binuhat ang mga bag na dala ko.

4thfloor room 17.

Habang ako ay naglalakad papuntang elevator biglang may humigit sa bag ko kaya napatingin ako don.

"Let me help you."-Sabi ni Dex at nginitian ako.

"Ahh salamat."-Sabi ko saka kami sabay na pumasok sa elevator.

"What room are you?"-Tanong niya.

"4thfloor room 17."-

"Eh?4thfloor din ako room 18!So magkatabi lang ang room natin."-Nakangiting sabi niya.

Tumango nalang ako dahil wala akp sa mood,unang una kulang ako sa tulog.Tapos habang natutulog pa ako sa bus kanina nagigising din ako gawa ni Third.Bwisit yung lalaking yon e!Ayaw akong patulugin.

"Inaantok ka pa ah."-Sabi niya saka tumawa.

"Bwisit kasi yung tukmol mong kaibigan.Hindi ako pinatulog sa bus kanina!"-inis na sabi ko at mas lalo naman siyang humagikhik.

"Ikaw kasi e,kung ako nalang ang pinili mong tumabi sayo."-Sabi niya.

"Bakit pinili ko ba siya?Nag bato bato pick kayo!Bat ka kasi nagpatalo?"-Sabi ko.

Nakita ko naman ang mapang-asar na ngisi niya.

"So ako talaga ang gusto mong katabi sa bus?"-Sabi niya habang inaasar ako.

"Hindi noh!!Wala sainyong dalawa."-Sabi ko at saktong pagbukas ng elevator at nasa 4thfloor na kami.

Pumunta na ako sa tapat ng pinto ng room ko saka kinuha ang susi na ibinigay saakin nung babae kanina.

Pagbukas ko non walang tao,ibig sabihin ako palang ang nauna.

"Salamat ulit."-Sabi ko kay Dex matapos niyang ilapag ang bag ko sa sofa.Matapos non ay umalis na siya.

Hinayaan ko lang na hindi nakalocked at pinto dahil baka pumasok pa ang magiging roomates ko.Sana naman ay friendly ang mga iyon,sana hindi taga section A!

Dahil kung taga section A talaga magiging ka-roomates ko magiging kriminal talaga ako ng wala sa oras.

De joke lang.

Tinignan ko ang kwarto,malaki ito at may three beds tska may dalawang aircon.May tatlo cabinet din tska carpet na bilog sa gitna.Maganda at simple lang ang ayos ng kuwarto.

Pumunta ako sa cr tska ko nilagay doon ang shampoo,sabon toothbrush saka toothpaste.Paglabas ko ng cr may  nagtatakbo kaagad saaking babae.

"Omgg Namiiiii!!"-Sigaw ni Shamie.

Section D [Completed✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon