Chapter44:Sorry

1.1K 52 1
                                    

NAMI:

Hindi ko na mabilang pa kulang araw na akong nasa bahay lang at palaging nasa kwarto ko.Ewan ko ba,parang
nawalan ako ng gana sa lahat.Ayaw ko ng lumabas.Kung bumalik nalang
kaya akong US?

Sabi naman doon ng boss ko ay pwede akong bumalik sa trabaho kung kailan ko gusto.Eh dito?hindi nga ako maka-
hanap ng trabaho.Ilang linggo na din ako naghihintay ng tawag ng mga
pinag applyan ko.

Pero sympre naiisip ko din naman na mas gusto ko ditong manatili sa
Pilipinas.Napakaboring kaya sa ibang bansa,tumayo na ako saaking kama saka nag-ayos.Wala akong mapapala
kung palagi akong ganito.Ayaw ko ng magmukmok.

At least ngayon,medyo magaan na ang loob ko.Ikaw ba naman umiyak buong magdamag,tinignan ko ang mata ko sa salamin at namamaga iyon.Ano ba naman ito,umiyak ata ako na parang wala ng bukas.

Huminga ako ng malalim saka inayos ang sarili ko,nang matapos ay bumaba ako saka kumain.Andito na din ang mga katulong namin dahil tapos na
silang magbakasyon,which is good!
mabuti na din ito para may nakaka-
usap ako sa bahay at hindi masyado
nabobored.

"May naghahanap po sainyo ma'am
kanina."-sambit noon isang maid
namin habang kumakain ako.

"Huh?sino po?"-tanong ko.

"Si Edward po,babalik nalang daw po siya dito."-sagot nito.

Ako naman ay hindi na umimik.
Ano naman kaya ang sasabihin ng lalaking iyon.Binilisan ko ang pagkain
ko at sakto naman na kakatapos ko lang ay kadarating niya lang.

"Oh,bat ka andito?"-tanong ko sakanya.

Iimik na sana siya ng mapatingin siya sa mga mata ko,kaagad naman akong
umiwas ng tingin.Madami kasing
napapansin si Edward,kilalang kilala niya din ako.Alam niya kapag nag-
sisinungaling ako.

Naging mag classmate kami noong college sa US.Siya ang naging kaclose
ko dahil ayun nga,pinoy siya katulad ko.Nakakaintindi naman ako ng
english at nakakapagsalita din.Pero
ewan ko ba,hindi ko feel makipag-
kaibigan noon sa mga kaklase kong
taga US.Iba pa din kasi talaga kapag
kalahi mo ang kausap mo.

Naging magbestfriend kaming dalawa
niyan,sa sobrang close namin ay
nakwento ko na ata sakanya ang lahat

Isa din siya sa mga taong naging
sandalan ko,lahat ata ng tungkol saamin kay Third ay nakwento ko na.
Pinakinggan ako ni Edward at
pinayuhan.Tinulungan niya din ako
sa maraming bagay,malaki na nga
ang utang na loob ko sakanya.

"Umiyak ka ba?"-tanong niya at doon ay lalo akong napaiwas ng tingin.

"Hindi ah.Teka nga!huwag mo ibahin
ang usapan,bakit ka andito?"-tanong
ko at iniba ang usapan.

"Bat ka muna umiyak?"-tanong niya,
ang akala ko ay makakalusot ako pero
hindi din pala.Makulit nga pala ang
isang ito.

Huminga ako ng malalim upang
pigilan ang luha ko.Ayaw ko kasi ng
ganito,yung tipong.Sinusubukan ko na pigilan ang iyak ko tapos may isang taong magtatanong na 'ayos ka lang?'
'Bat ka umiyak?' kasi mas lalo akong maiiyak,lalo na pag may nag cocom-
fort saakin.

"Wala na e,talo na ako."-Sabi ko at
napayuko.Nanatili naman siyang
tahimik.

"Ano?!natalo ka sa lotto?Kinaiiyakan mo yon?"-Sambit ni Edward kaya
napatingin ako sakanya.Puro kaloko-
han talaga.

"Seryoso kasi!"-sabi ko at nagseryoso naman siya.

"Huli na kasi ako."-sabi ko.

"Diretsuhin mo nga ako!ang hirap
manghula e."-pagbibiro ni Edward.

Section D [Completed✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon