Chapter29:The past

1.2K 72 0
                                    


NAMI:

Mabilis na dumaan ang sabado at linggo at lunes nanaman.Ayun,parang hindi naman ako nakapagpahinga ng maayos nung weekend dahil nag gala kami nila mom and dad dahil sabi nila ay babawi sila saakin.

Nung linggo naman ay nagsimba din kaming tatlo.Kahit na hindi ako masyado nakapagpahinga masaya naman ako dahil kahit papano ay may oras na ang parents ko saakin.

Nang makapasok ako sa room ay kitang-kita kong nagkukumpulan ang mga kaklase kong tukmol.Hindi sila maingay,mukhang seryoso nga ang pinag-uusapan nila e.

"What?hindi na ba sila nanawa na balik-balikan tayo."-sambit ng isa naming kaklase hindi namin kilala.

Hindi muna ako pumasok sa room bagkus ay nakasilip lang ako sa pintuan.Hindi naman nila ako napapansin dahil sobrang tutok sila sa meeting nila.

"This can't be happening again.Paano kapag naulit muli ang nangyari?"-Taki.

Napakunot naman ang noo ko.Ano bang pinag-uusapan nila.

"I can handle this situation.And this time I promise na wala nang mapapahamak saatin."-seryoso sabi ni Third.

"NAMI!"-Ren.

Gulat na napatingin saakin ang lahat pero ako ay nag-act na parang wala akong narinig sa anuman usapan nila.

"Kanina ka pa ba diyan?"-sunod na tanong ni Warren.

"Huh?Kakarating ko lang.Bakit antahimik niyo naman ata."-sabi ko.

Iyan ganyan nga,magsinungaling ka lang Nami.Kailangan ko na talagang malaman kung ano ba ang tinatago nila.Kung ako ba ang past ng section D.

Mukhang nakahinga naman sila ng maluwag sa sinabi ko.Mas lalo tuloy akong nagtaka.

"A-ahh wala iyon!May nag-away kasi na kaklase natin tapos pinagsusundo namin."-sabi ni Taki.

Tumango-tango naman ako na parang naniniwala.Lumipas ang mga minuto ay hindi ako mapakali.Feeling ko talaga ay may tinatago sila saakin.
Bakit ayaw nila saaking sabihin?part naman na ako ng section D hindi ba.

Saglit akong napatulala saka napaisip.
Kung hindi nila masasabi saakin ang tungkol sa nakaraan nila.May isa pang tao na nakakaalam..

Iyon ay si Ghail.

Ayaw ko man siyang kausapin o lapitan pero kailangan ko.Dati na din siyang naging parte ng section D kaya alam kong marami siyang alam.Hindi ko nga lang alam kung paano ko i-open ang conversation about don.
Isa pa,hindi naman kami magkaclose at hindi din ako sigurado kung sasabihin niya ba saakin ang past.

But I need to try..

Hindi pwedeng ako lang ang walang alam.Kailangan ko din malaman ang nangyari,at kung ano ang pinag-uusapan nila.

--

Mabilis na natapos ang morning class pero wala akong naintindihan ni isa.
Excited na kasi akong magrecess.
Hahanapin ko si Ghail at kakausapin ko siya.May sasabihin lang akong importante sakanya.

Dali-dali kong nilagay ang mga gamit ko sa bag saka kinuha ang wallet ko.
Pansin na pansin saakin na mabilis ang bawat pagkilos ko.Hindi na ako makapaghintay pa.

Napatigil ako sa ginagawa ko nang may humawak sa braso ko.Pagtingin ko ay si Third iyon na nakangiti.

"What's with the rush,baby?"

Bago pa ako makapagreact ay nauna nang magreact ang mga kaklase kong tukmol.Gulat na gulat sila na nakatingin saaming lahat.Si Dex naman ayun?seryoso lang na nakatingin saakin.Inirapan ko nga.

Section D [Completed✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon