Chapter36:Trust me,trust us

1K 54 0
                                    


NAMI:

"Uy,hindi ka sasayaw?"-Tanong saakin ni Shamie at umiling na lamang ako.
Naka-upo lang ako sa isang gilid habang pinagmamasdan ang mga estudyante na masayang nagsasayaw kasama ang partner nila.Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Third.

Simula kasi nung nagsimula ang Prom ay wala pa si Third dito.Hindi ko tuloy maenjoy.Minsan na nga lang ako pumunta sa mga ganito klaseng event ay hindi pa ako mage-enjoy.

"Why don't you enjoy the night,Nami?"-Tanong ni Dex saakin kaya mas lalo akong napasimangot.

Kanina pa din siya hindi umaalis sa tabi ko dahil alam niyang wala akong kasama.Mabuti nalang at hindi ako masyado nabobored dahil kausap ko siya.

"Asan na ba kasi si Third?Hindi siya nagrereply sa mga text ko."-sabi ko.

"He will come.May inaayos lang siya."-
Sabi ni Dex at dahil doon at napanatag ako.Hindi pa naman malalim ang gabi at alam kong darating siya.

"But since you're waiting,Can I have this dance?"-sabi saakin ni Dex at inilahad ang mga kamay niya saakin.
Napangiti naman ako at hindi nag dalawang isip na kuhanin iyon.

Pumunta kami sa dance floor at nabago ang music.Dahan-dahan kaming sumayaw,hindi naman ako naiilang dahil kahit papano naman ay naging parte na si Dex ng buhay ko.

"Why don't you ask her to dance?"-
Tanong ko kay Third at napakunot naman ang noo niya.

"Who?"

Tinuro ko si Eli na mag-isa lang din na naka-upo sa isang gilid.Niyaya siya ni Ren kanina magsayaw pero hindi ito pumayag.

"Sa ayaw ko e."-sabi ni Dex.

"Bakit naman?Maganda naman siya ah?Mabait din,saka balita ko ay matalino."-sabi ko.

"Tss.Nami,aanuhin ko naman ang lahat ng iyan e kung hindi ko nga mahal yung tao?"-sabi ni Dex.

"Kahit na noh,hindi mo dapat siya sinusungitan o pinaparamdam sakanya na ayaw mo siya."-sabi ko.

Bumuntong hininga si Dex saka tumingin saakin.

"Ginagawa ko din naman ito para sakanya.Para hindi na siya umasa pa,
I don't want to hurt her,Nami.Kaya ngayon palang,lalayo na ako.Kasi alam ko naman na hindi ko siya magugustuhan."-Mahabang paliwanag ni Dex at tumango na lamang ako.He has a point,pero naaawa pa din ako kay Eli.

Napatingin ako kay Dex na bigla napatigil sa pag sayaw at nakatingin sa likod ko.Nagtaka naman ako,
Ngumiti saakin si Dex saka binitawan ako.

"Andiyan na si Third,maiwan ko muna kayo."-sabi ni Dex saka iniwan ako sa gitna ng dance floor.Aalis na din dapat ako kaya lang ay may humila saakin.

Napatingin naman ako kay Third na halatang nagmadali sa pagpunta dito.

"Bakit ngayon ka lang?"-tanong ko at natawa naman siya.

"Before I answer that,can I dance you first?"-sabi niya at wala akong nagawa kundi pumayag.Nagsayaw kami at ramdam na ramdam ko ang tibok ng puso ko dahil sa mga tingin niya saakin.Ni wala atang segundo na hindi niya inalis ang tingin niya saakin.

"You're so beautiful tonight,Nami."-
Sabi niya.

"Tss.Tonight lang?"-pagbibiro ko at akala ko ay tatawa siya pero seryoso ang mukha niya.

"You're always beautiful in my eyes."-
Seryosong sabi niya at hinalikan ang kamay ko kaya lalo akong namula.

Niyakap niya naman ako nang tumigil kami sa pag sayaw.Ramdam ko ang higpit ng yakap niya.

Section D [Completed✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon