Chapter3:Who's that girl?

2.2K 102 6
                                    

NAMI:

Wrong move..

Dahil hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko habang tumatakbo ay sa pangalawang pagkakataon may nabangga nanaman ako.

Kung minamalas ka nga naman oh!Hindi na alagad ni bluehair ang nakabangga ko ngayon.Kundi siya na mismo.

"Ang ganda bungad naman ng umaga sakin,ikaw agad ang nakita ko."-Sarcastic na pagkakasabi niya habang pinanlilisikan ako ng mata.

"Naku sinabi mo pa!ang ganda din sakin ng bungad ng morning,isang tukmol mo kaagad ang nakita ko."-Sabi ko saka nginitian siya.

"Aish!may atraso ka pa saakin ha!Huwag mo akong pupunuin."-

Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Teka anong atraso ko sayo?Hoy!"-Sabi ko.

"Tss."

Ayun lamang ang sinabi niya saka ako nilagpasan.Lah?red days ata ng lalaking iyon kaya ganun.Pero ano naman yung sinasabi niyang atraso ko sakanya?

Wait!

Hindi ko maiwasan at hindi mapatawa ng malakas ng maalala ang nangyari kahapon.Natatandaan ko na yung sinasabi niya,mukha siyang basang sisiw kahapon e!kaya naman pala galit na galit ang isang iyon.

"Hala tignan mo si Nami nababaliw na ata natawa mag-isa."

Napatingin ako sa dalawang nagbubulungan sa likuran ko at iyon pala sila Taki at Ren na gulat na nakatingin saakin.Ang dalawang alagad andito na pala!

Iniwan ko sila doon dalawa saka nauna pumasok ng room at pagpasok ko nagulat ako dahil andoon agad ang adviser namin kaya kaagad naman akong umupo.

Sumunod naman ang dalawang alagad saka puwesto sa likod kung nasaan andon ang mga iba pang alagad ay siympre ang kanilang pinuno na si Third.

"Okay class,sa pagkakataon na ito gusto kong mapatunayan niyo sa higher section na matalino kayo,na may utak kayo!Na hindi kayo mga bobo katulad ng iniisip nila.Isasabak ko ulit kayo sa MATH QUIZ BEE."-Sambit ng guro namin.

Narinig ko naman ang reklamo ng mga kaklase ko at para bang bored na bored ngayon at walang pakialam sa sinasabi ng teacher namin.

"Any volunteer?"

"Yes Mr.Third Alvarez?"

Napataas naman ang kilay ko,natatawa ako sa isipin ko na siya?Mag vovolunteer sa isang math quiz bee?

"How about Ms.Salvador?I heard that she is good at mathematics."

O.O

WhAaAAaaaAt?!

Napatayo naman ako saaking kinauupuan saka tumingin sa likod kung nasaan ang pinuno ng mga tukmol.

"Hoy bakit ako?anong trip mo?"-Nagpipigil inis na tanong ko sakanya at tanging nakakaasar na ngiti lamang ang isinukli niya saakin.

Putek!hindi ako magaling sa math,ilaban niyo na saakin lahat ng subjects huwag lang ang math!

"Maam excuse me!Pero mali hindi po totoo na magaling ako sa math!"-Sabi ko.

"Im so sorry Ms.Salvador,i already wrote your name on the list.But dont worry!may kapartner ka naman,and I know that you can do it!"

Alam kong hindi ko kakayanin yon,buti nalang sana kung matalino yung magiging kapartner ko.Yung math genius!kaso sino naman?Eh ang alam lang ng buong section na ito ay ang mambully.

"Ako ang pipili ng magiging partner mo,at malalaman mo iyon sa mismong araw ng quiz bee."-Sabi muli ni maam sabay alis ng room namin.

Ilang oras na rin ang lumipas at walang teacher na pumapasok saamin.Siguro ay nagsawa na sa ingay namin--sila lang pala!kaya tinamad na din silang pumasok pa sa section na ito upang magturo.

Section D [Completed✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon