Chapter43:Goodbye

1.1K 62 3
                                    


NAMI:

Isang linggo na ang nakakalipas simula nang sinimulan ko ang paglapit kay Third.Araw-araw akong nasa Hospital kung saan siya nagwo-
work.Todo ang aking effort sa pag gawa ng pagkain para sakanya.

Pero sa loob ng isang linggo na iyon ay wala man lang nangyari.Aaminin ko na medyo malungkot ako dahil parang hindi na siya ang Third na nakilala ko.Yung Third na palagi ang tingin saakin ay napaka special ko sa buhay niya.

Pero ngayon?wala,parang wala nalang ako sakanya.Sa loob ng isang linggo ay puro cold treatment niya lang ang natatanggap ko.Kahit na kinakausap ko siya ay hindi siya ganoon kadaldal.

Isang tanong ko,isang sagot niya din.
Nararamdaman ko din na parang iwas siya saakin.Parang ngayon.

"So ano nang nagyari?does it work?"
-tanong saakin ni Ghail habang inaayos niya ang kanyang sarili.

"Hindi pa din e."-malungkot na sabi ko at napatigil si Ghail sa kanyang ginagawa.

"Gusto mo bang kausapin ko iyang Third na yan?over na sa kaartehan e!"
-gigil na sabi ni Ghail at ako naman ay natawa.

Mabuti nalang at andito palagi si Ghail.Madalas na din kami magkasama at naging magkaibigan na kami.

Doctor din pala si Ghail sa hospital kung saan nagtatrabaho si Third.
Kwento pa saakin ni Ghail na same school lang din sila ni Third nung college kaya masasabi niya talaga saakin na sa loob ng sampung taon ay walang minahal na ibang babae si Third.

"Huwag na,ako na ang bahala.Saka hindi naman ako basta-basta susuko kahit na ganoon ang trato niya saakin."-sabi ko.

"Eh ayun naman pala,kaya mo yan-

Naputol ang sasabihin ni Ghail ng may tumawag sa telepono na sa table niya.

"Okay,papasukin mo na siya dito."-
Sabi ni Ghail.

"Uhmm,I guess may pasyente kana.
Mauna na ako ah?"-sabi ko.

"Okay!balitaan mo ako mamaya ah?
Goraa ka lang!push mo yan."sambit ni Ghail kaya nakangiti akong lumabas sa kanyang office.

Huminga ako ng malalim saka naglakad sa hallway,pupuntahan ko si Third dahil ang alam ko ay wala siyang pasyente ngayon.So I'm sure na nasa office niya sa ngayon.Tamang tama naman ang dala kong pagkain para sakanya dahil malapit ng mag lunch.

Kumatok muna ako bago pumasok.

"Come in."-rinig kong sambit niya kaya binuksan ko na ang pinto saka pumasok.Nakita ko pa ang pag taas ng kilay niya habang nakatingin saakin.

Ngumiti naman ako ng todo kahit na sobrang seryoso ng kanyang mukha.

"Hello,kumain ka na ba?May dala akong pagkain."-sabi ko at pinakita ang dala kong papee bag.

"I'm full.Thank you."-Walang emosyon na sambit niya bago itinuon ang atensyon sakanyang ginagawa.

Ako naman ay hindi alam kung anong gagawin dahil sobrang tahimik ng paligid.Hindi ako sanay,hindi naman kasi kami ganito dati.

Huminga ako ng malalim para sana mag open ng conversation.Kaya ko ito!

"Uhm..Third.."-sambit ko pero hindi ko naituloy ang nais kong sabihin dahil may tumwag sa cellphone niya.

Napatingin na lamang ako habang sinagot niya ang call at napatitig nalang sakanya na nakangiti.Parang ngayon ko nalang ata nakita ang mga ngiti niyang iyan.Sobrang namiss ko,
sampung taon ko din iyan hindi nakita.

Pero hindi naman ako ang dahilan ng pag ngiti niya.

"Oh really you're coming here?right now?okay,I hung up now."-sabi ni Third habang may kausap doon sa phone niya.

Section D [Completed✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon