Kiss me goodbye
Lumabas ako ng CR. My mind was racing. Fortunately, I know that exclusive rooms like this have a backdoor. Hindi ko yata kayang bumalik sa loob ng nandun sa loob si Kristoff o si Marj. Hindi ko na din alam ang isasagot ko kung magtanong man si Kristel at Danica. Lalabas muna ako, gusto kong huminga.
Malas ko lang at iwan ko ang bag ko sa loob. Kung hindi ay itetext ko na lamang si Kristel na sumakit ang tiyan ko kaya umuwi na ako.
Pumunta ako sa may gitnang parte ng bar. Pa bilog ang railings nito. Humawak ako dito at pinanuod ang mga sumasayaw sa malawak na dance floor sa baba.
I saw myself a few years ago. I was young, fierce and reckless. Ang laging problema ko lang dati ay kung paano ako papasa sa mga exams ko at makakagraduate ng college. Pero ngayon iba na. Ibang iba na sa noon. Iba't ibang tao na din ang nakakasalamuha ko.
Ngunit ano nga ba ako dati? Bakit parang ngayon nag baback fire sa akin kung anong naging pakikitungo ko sa kanila. Matagal man o mabilis ang pinagsamahan namin.
A body gently covered me from behind. I glanced at both of his hands clasping the rail next to my hands. Nakakulong ako ngayon sa kanyang bisig. I didn't look back to confirm if it's him because I could smell the scent I made for him.
"What are you doing here?" he asked in his deep baritone voice.
"Nothing. What are you doing here?" I asked back.
"Looking for you."
"Why? Hindi ba masaya sa loob pag wala ako?"
"You okay?" tanong niya at hindi pinansin ang tanong ko.
He leaned forward kaya medyo tumama ang kanyang dibdib sa balikat ko. I can see his face na sa may left ko. I had no energy to push him backwards so I stayed still.
"Is he still inside?"
"Umalis din siya kanina nung umalis ka."
I bit my lower lip. I thought he wanted to talk. Why did he suddenly leave? Marahil alam niyang hindi ako babalik o baka.... baka biglang ayaw na niya makipag usap.
Natamaan ng mata ko siya sa alon ng mga tao sa dance floor. Nakangiti habang sasalubungin si Haze sa di kalayuan. Mukhang nakainom na dahil namumula ang pisngi.
Napatunganga na lamang ako ng bigla niyang siilin ng halik si Haze. They are kissing passionately habang katabi ko lamang kanina si Kristoff na hindi man lang tinatanggi sa mga kaibigan ko na hindi na kami nagde-date. Hindi ba siya nakokonsesya para kay Hazel? O marahil wala lang naman ako kay Kristoff para isipin niya na mali ang ginagawa niya.
Magkasama pala silang dalawa sa bar. Paanong gugustuhin niya akong kausap. Nandito ang girlfriend niya. Sa paanong paraan niya ako kakausapin.
Niloloko ba ako ni Marj sa sinabi niya kanina? Bakit? Naguguluhan ako. Nasasaktan ako. Naiiyak ako.
"Thaddeus."
"Hmm." Nilingon niya ako.
"Can you keep covering me?"
I did not wait for his answer. Tumalikod ako papalayo sa senaryong iyon. Hinarap ko ang dibdib ni Thaddeus na tila ba ineeganyo akong ikulong at itago ko ang sarili ko doon. I buried my face on his chest. The solace feeling in here. I'm really in love with his smell.
Mapapasabi ka na lang na mabuti pa 'tong isang 'to.
Sa ingay ng bar na ito, I can clearly hear his deep sighs.
I remember, this De Guzman just asked me to love him. Should I? Nah. Kung manloloko ang kapatid niya, edi lalo na 'to.
Tumikhim ako.
BINABASA MO ANG
Take me Back (Euro Boys #2)
RomanceWould you take me back or take me with you? Euro Boys Series 2. De Guzman Completed. (May 11, 2020- October 11, 2020)