Precious
"Elle, please talk to me." He pleaded.
Kanina pa siya nakikiusap sa akin pero hindi ko siya pagbigyan. Nakaluhod ang isang tuhod niya sa sahig. Nakakulong ako sa kanyang dalawang kamay na nakahawak sa aking inuupuan.
Wala naman akong balak tumakas o ano. Ang sa akin lang, wala bang CCTV dito? Baka magmukha kaming tanga. Lalo na siya na nakaluhod pa. Mamaya nanunuod pala si Aerrol.
Gusto ko sanang patayin ang oras na hindi siya kinakausap. Kahit pa tumambak ang gawain ko sa baba. Wala akong paki. Titigil din siya at mapapagod hanggang umalis na siya dito.
Pwede naman kasi siya magsalita o sabihin ang gusto niyang sabihin. Makikinig naman ako. Ewan ko kung bakit pinipilit niya akong rumesponde sa kanya.
Nabigo ang kanyang mata nang walang makuhang kahit ano sa akin. Nagbuntong hininga siya at bigong yumuko. Sa kiliting dulot ng paglapat ng kanyang malaging buhok sa aking hita, napasinghap ako.
"Elle, do you hate me this much?"
Huminga muna ako ng malalim. Ang kulit ni Thaddeus. I swear.
"Ikaw, Thaddeus? Do your family hate us this much, to the point that we have to reach this point? Tell me, what are you begging for?"
"Your forgiveness. And I want you to listen to me, to hear me."
Ang kanyang mainit na paghinga ay nararamdaman ko sa aking hita.
"Don't worry. I will try to forgive you, Kristoff, your mom even if you guys are not sorry. I need peace of mind. We all do. So let's not talk about it anymore. Kung ano man 'yan ayoko na marinig." sabi ko.Besides, I've heard enough from my Dad. Baka mamaya kung anong sasabihin niya ay magtaliwas pa sa sinabi ni Daddy e lalo magdilim ang paningin ko sa kanya. Tuwing nakikita ko siya ay mas naalala ko na nawalan ako ng kapatid kaysa sa niloko niya ako. Malakas talaga ang kutob ko na nalaglagan lalo si mommy dahil akala niya nag checheat si Daddy with Tita Veronica.
Nag angat siya ng tingin sa akin. His eyes were bloodshot. He's trying to stop something from his eyes to come out. Kinukurot nun ang puso ko.
Bumaba ang tingin niya sa aking labi. I pity him cause it looks like he's craving for it.
"Elle, I also need it."
He licked his lower lip.
"Ha?"
"You are my peace. I need you."
I flattened my hands on his chest to stop him from attacking. Kaunting usod na lamang ay magtatama na ang mga labi namin. Nanatili ang nakaawang ang kanyang labi. Pero nakakunot ang kanyang noo.
"I would like to address that this isn't your office. So please, let's be professional."
He growled. I could see Adam's apple moved due to his frustration. He pushed himself. Pag katayo ay humawak siya sa aking pulsuhan.
"Okay then, let's do it in my office."
"Bitawan mo ako."
Mabagal siyang umiling. Oh God he loves to shook his head.
"Tatahimik ako. Pero bibitawan ka? Elle, ayoko."
Mas lalong humigpit ang kanyang hawak sa aking pulsuhan. I can feel that his hand will leave a mark on it.
He pulled me up saka ako kinaladkad papalabas ng office ng COO. Wala akong nagawa kundi magpatinaod na lamang sa kanya.
"Thaddeus, I still have tons of work to do."
BINABASA MO ANG
Take me Back (Euro Boys #2)
RomanceWould you take me back or take me with you? Euro Boys Series 2. De Guzman Completed. (May 11, 2020- October 11, 2020)