Kabanata 20

255 7 2
                                    

Love

Today is the day. Kadadaan lamang ng bagong taon and I've got to face the adult life.

Nakapag desisyon na ako na mag aapply na ako sa Lagdameo Logistics and Group of Companies. So I gave Aerrol a call. I have here the application form he has mailed me. 9AM din ang interview ko sa kanya.

Nagcommute na lang din ako since malapit lang tsaka ipapa change oil daw ni Daddy ang chevy ko.

Tumayo ako ng matuwid at tiningala ang matayog na building ng mga Lagdameo. I'm nervous and happy at the same time. Parang dati lang nadadaanan ko ito pag bumababa akong Downtown. Masyadong malaki itong kumpanya na papasukin ko. Masyado din silang sikat sa larangan na ito. But I'll give it a try. Baka naman mamemeet ko ang standards nila. Tsaka parang nafefeel ko na para ako dito talaga. Matagal ko ng gustong magtrabaho dito.

Iniisip ko pa din kung sino kayang nagrecommend sa akin kay Aerrol.

Madami kaming for interview today. Nasa bilang walo kami. Kung akala ko ay maaga na ako ay mas may maaga pa pala sa akin. Yung iba ay iniinterview na ng HR sa loob. Ilang minuto pa ay lumabas doon si Kristel. Pinanliit ko ang aking mata upang aninawin siyang mabuti.

"Tel!" tawag ko.

Hinanap niya kung sino ang tumawag.

"Omg, Elle. Nag aapply ka din?"

I nodded. Pang model ang kanyang lakad papunta sa akin habang dala dala ang kanyang Gucci bag. Naupo siya sa bakanteng upuan sa tabi ko.

"Oh, thank God may kakilala na ako. Akala ko kasi sa Customs ka mismo mag apply or sa may NAIA area."

"Nah. Okay na din dito medyo malapit sa bahay. Di ko na need magboard."

"Oo nga naman."

"Tapos ka na ba sa interview?" Tanong ko.

"Oo. Initial ko pa lang. May final interview pa mamaya yung mapipili ng HR ngayon. Di ko sure kung kay Aerrol or sa head ng operations."

"Kilala mo din si Aerrol?"

Ngumiti siya na parang kinikilig saka maarteng umirap sa akin.

"Of course. He's Aerrol Lagdameo, the COO of the company."

"COO? Wow."

COO siya? And me and my friend Kristel are not calling him Sir or Mr. man lang. Shet naman. Aerrol lang talaga e.

"Oo ano ka ba. Yung Dad niya ang President ng company. Bakit hindi mo alam?"

Napangiwi na lamang ako. Required ba? Dati kasi nung college interested na ako dito. Pero overview ng company tsaka kung anong group of companies ang meron sa LAGDA lang ang sinearch ko. About sa kung sinong may ari ay yung tinatawag lang naman nilang Chairman ang nakalagay. Bukod dun hindi na ako nagbasa pa ng tungkol sa kanila. Kahit tungkol kay Aerrol ay hindi man lang ako nag search.

Tatanungin ko na lang kasi sana si Thaddeus e. Kaso ayun nga, I don't have the guts to message him. He left me clueless and thinking the last time na nag usap kami. Ayoko muna siya makausap ulit.

"Anyway. Okay lang yan. Hindi ko din naman siya kilala ng super. We met lang sa Downtown kasama kasi siya palagi ni Thaddeus e. You know Thaddeus naman diba? So ayun na ipakilala ako ni Thaddeus tapos nirecommend niya ako kay Aerrol." humagikhik siya. "Si Aerrol naman ayaw magpatawag ng Sir or whatever pero napaka pormal niya."

The scenario sounds familiar. Inalok din ako nun ni Aerrol at ayaw niya na tinatawag siyang Sir. Pinagkaiba nga lang I was not recommended or introduced by Thaddeus. Ako mismo ang nagpakilala sa sarili ko. But anyway. Hindi naman ito big deal. I'm just having hopes that maybe... Just maybe, he recommended me too.

Take me Back (Euro Boys #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon