Label
"Kumain ka na din. Tapos umuwi ka na pagkatapos."
"Pinapaalis mo na ba ako?"
Tapos na kasi ako kumain. Nilapit niya sa labi ko ang gamot habang nakabantay ang baso ng tubig sa kabilang kamay. Sinubo ko iyon tsaka niya ako pinainom ng tubig. Hinayaan ko lamang siya dahil kanina ko pa siya pinipilit na may kamay naman ako.
Tingnan lamang niya ako sa mata e napapatahimik na ako. Wow De Guzman, ibang iba pa din ang impact mo sa akin. Hindi pa din ako makamove on sa sinabi niya kanina. Parang lalo lamang tumaas ang lagnat ko.
Tumungo siya sa kusina at dinala ang mga pinagkainan. Kahit pigilan ko siyang wag hugasan ang mga iyon ay hindi siya makikinig sa akin. I let him walk inside our house like we are okay. Like there is no thin line between the two of us. Ipinahinga ko ang aking ulo sa sandalan ng sofa. Hindi na gaano akong nilalamig pero umiigting pa din ang ulo ko. Siguro ay dahil nadagdagan na ang carbon dioxide sa loob ng bahay. Kaya siguro parang mas mahirap huminga.
I opened my eyes weakly. Naabutan ko siyang papunta sa pintuan namin. Dumalaw ang kaba sa akin kaya napabalikwas ako at napaunat sa aking upo. Humawak ako sa ulo ko at napangiwi.
"A-Aalis ka na? Hindi ka ba kakain muna?" I asked.
Kasi pakiramdam ko saglit lang ako nakatulog. Ibig sabihin hindi pa siya kumakain. Hindi ako sigurado kung gusto ko lang ba na kumain muna siya o gusto kong magtagal muna siya dito.
Tumayo ako. Lumingon lamang siya sa akin at tinaasan ako ng kilay.
"Gusto mo na ba ako umaalis?"
Kinagat ko ang labi ko. Bakit ba ay palagi niya akong tinatanong. Pwede bang magdecide ka na lang kung aalis ka na. Kasi kung ako'y tatanungin muli niya sasabihin kong ayaw kong umalis siya.
"Bababa lang sana ako sa mga receptionist para mag sorry."
Sinaraduhan muli niya ang pinto. Tumunog ang lock noon. He walked back to me. My heart is pounding so fast that my rib cage hurts. Everything, even his movements, went in slowmo. I'm really sick! I really am! Ang rupok, Elle. Sobra.
"Ang tagal sumagot. Dito na lang muna ako. Parang iiyak ka, e."
"I-I'm not. Bakit ako iiyak. B-Baliw."
He leaned forward. Nilapatan niya ng halik ang aking noo. Naestatwa ako. Nakakabingi ang pagtibok ng puso ko.
"Medyo mainit ka pa. I'll stay with you Elle hanggang gumaling ka."
"P-Paano kung bukas pa ako gumaling?"
"Edi bukas ako uuwi. Nagsabi na ako sa parents mo na nandito ako."
Naupo siya sa sofa sa likod ko. Ako'y nanatiling nakaugat ang mga paa sa sahig. Patuloy pa ding ninanamnam ang kalambutan ng labi niya sa noo ko kanina.
"Nagreply ba sila? Ano sabi?"
"Hmm. Yeah. Old talk."
Old talk? Ano ako bata? Ba't di ako kasali? Ngumuso ako.
"Bakit ka ba nakatayo diyan. Manghihina ka lang lalo. Stop wasting your energy."
Bago pa ako makatalikod ay sumakop ang dalawang malaking kamay niya sa baywang ko. Iginigiya niya ako papaupo sa kanyang tabi. Nagpatinaod lamang ako. Marahan akong naupo sa tabi niya. Si Jerpie ay nasa may dulo ng sofa malapit sa kanyang tabi.
Nakabaluktot ako, yakap ko ang aking mga tuhod. Lumayo ako ng mga dalawang dangkal dahil ang lapit niya sa akin.
"Why are you so stiff? Come here, rest with me." He said softly.
BINABASA MO ANG
Take me Back (Euro Boys #2)
RomanceWould you take me back or take me with you? Euro Boys Series 2. De Guzman Completed. (May 11, 2020- October 11, 2020)