Trap
Minsan mapapaisip ka talaga kung paano nahahanap ng mga tao ang saya sa isang bagay kahit nakakatakot, kahit mapupuno ka ng kaba. Dahil ba challenging or thrilling? Or maybe it's the heart's way of saying that there is something for you to overcome.
And the best way for this is to face it.
Thaddeus was afraid of rides, not sure of heights, but something that has so much speed and turnovers. Ilang sapilitan pa yata ang ginawa ko dahil mukhang sa bumper car lamang mauubos ang maghapon namin. But look at him now, and at the end of the day, he overcomes it. Not bad for a first timer. If you could picture him smiling while gazing at the city lights from afar with the grassy field around EK, hindi mo din mapipigilan ang mapangiti.
Nakasakay kami ngayon sa Ferris Wheel. Ang haba din ng ipinila namin dito. As promised, andito kami sa Theme park sa Laguna.
Nakakulong ako sa kanyang hawak sa aking balikat at marahang hinahaplos iyon. He's blocking my view so I enjoyed myself by just watching him.
Katulad ng sinabi ko, nor do I know how I found the joy in my fear. Natatakot ako sa aking pagmamahal sa kanya, sa kung anong kaya nitong ibigay. Natatakot ako sa mga posibilidad. Sa kung anong maaring masabi sa akin ni Tita Veronica at ni Kristoff. Alam kong mali, dahil magkapatid sila. Sa kahit anong anggulo mo tingnan magmumukhang traydor si Thaddeus sa kapatid niya at ako'y isang ipokrita para pumatol sa kanilang dalawa.
"Elle."
Hindi ko napansin na sa akin na pala siya nakatitig. Nagkaroon ng hangganan ang aking naiisip.
"Hmm?"
"Bakit mo ako sinagot?"
I raised a brow. Something's up to him, kanina pa. Katulad ko. He looks bothered pero nalilingat din iyon dahil sakay kami ng sakay sa kung saan saan.
Kinalas ko ang kamay niya sa akin. Ngunit nanatili iyong namamahinga sa sandalan sa aking likod. Yan ba ang kanina pa niyang iniisip?
"Ano ba namang tanong iyan? Ayaw mo ba? Siyempre dahil nililigawan mo ako. Magtaka ka naman kung sagutin kita ng di mo ako niligawan."
He gave me a wry smile.
"Mali. Kung nililigawan ka ba ni Aerrol ay sasagutin mo siya?"
I don't know where his point is taking us pero sasagutin ko iyon para sa ikatatahimik ng usapang ito. Parang kanina pa kasi siya binabagabag niyon.
"Hmm. Aerrol? Depende kung mahal ko siya."
"Exactly."
"Ha?" I looked up to him, showing that I'm confused. "Anong meron kay Aerrol?"
Umiling siya. He tried to smile and caressed my back.
"You would answer a man because you're in love with him. Hindi dahil nililigawan ka lang. You could bust or defy them."
"Uhuh. So?"
Huminga siya ng malalim saka napailing. Ano ba gusto niya sabihin? I mean, gets ko naman at alam ko din naman. Bakit mo naman kasi sasagutin kung hindi mo mahal? Para sa experience o sa panandaliang kasiyahan? Hindi.
Ang hindi ko maintindihan sa pinupunto niya ay tinatanong niya ako kung bakit ko siya sinagot tapos itatanong din niya sa aking si Aerrol?
"Elle, I just want to know if you have fallen in love with me. If you love me. If you still don't get it, I don't know anymore."
"O-Of course, I am." I pouted, halos pabulong ko nga iyon sinabi. "I just don't get why Aerrol was mentioned. Ikaw naman, Thaddeus, ang sinagot ko."
BINABASA MO ANG
Take me Back (Euro Boys #2)
RomanceWould you take me back or take me with you? Euro Boys Series 2. De Guzman Completed. (May 11, 2020- October 11, 2020)