Girlfriend
"E ano naman ngayon? Gusto ko lang siyang makausap. Gusto kong malaman kung totoo ba yung sinabi mo sa akin. Gusto ko sa kanya marinig mismo."
A weak smile flashed in his face. Tumango tango siya.
"Umaasa kang hindi totoo iyon."
"Oo. Umaasa ako na sana nagbibiro ka lang. Na ayaw mo lang sa akin kaya mo sinabi yun. Kaya ka naiinis ngayon na nandito ako, kasi ayaw mo sa akin para kay Kristoff? Hindi ba?"
Umiling siya.
"No. Hindi naman bata o babae si Kristoff para ayawan kita para sa kanya. I ain't his mom. Si Kristoff ang ayaw ko para sayo. But it doesn't mean I don't like you, Elle."
"E sino bang gusto mo para kay Elle, Kuya?"
Napasinghap ako na marinig ang boses niya galing sa aking likudan. Tumingin din si Thaddeus sa kanya bago muling ibalik ang tingin sa akin. Inihilig niya ang kanyang katawan sa may hagdan. He stood there as if he didn't want to leave.
I gave him a dagger look. Come on, give us time to talk. Hindi pwedeng nandiyan ka para makinig sa kung anong paguusapan namin.
"Thaddeus."
He creased his forehead and clenched his jaw. Ugh!
"Okay. I'll be upstairs." aniya at mukhang iritado.
Magkasalubong ang kanyang mga kilay na sumulyap kay Kristoff bago pumanhik ng hagdan. Hindi ko na pinanood pa ang pagtaas niya bagkus ay tumalikod ako upang makita ng tuluyan si Kristoff. Nung una ay masama din ang kanyang tingin sa kanyang kapatid. Pero nung napansin niyang nakarahap na ako ay ngumiti siya sa akin.
Shit. I missed his smile, his face, everything about him. Feeling ko last year ko pa siya huling nakita.
Itinaas niya ang kanyang dalawang kamay patagilid. Wala na akong hinintay na oras. Naglakad ako papalapit sa kanya para salubungin ang kanyang yakap. Pero bago pa ako makalapit, bago ko man lang mahagip kahit ang damit niya, o bago man lang dumapo ang kanyang pabango sa aking ilong ay nagtatakbo siya.
Tuwang tuwa siyang tumatakbo papalayo sa akin habang ako'y nalilitong naiwang nakatayo doon, pinapanood siya. Lumingon muli siya sa akin, malapad ang mga ngiti.
"Why are you standing there, Elle?"
Naguguluhan ako. I thought you wanted a hug. Dahil ako gusto ko.
"Ha? Ah, saan ka ba kasi pupunta?"
Naglakad siya muli pabalik sa aking posisyon. Hinihingal sa kanyang ginawang pagtakbo.
"Sa garden sa likod. Maaliwalas kasi ang hangin doon kumpara dito sa loob ng bahay."
Iginiya niya ako papunta sa likod. Kung saan huli kaming nagdinner kasama ang pamilya niya.
Everything feels like a year now.
Naupo ako sa duyan malapit sa tabi ng swimming pool. Tinatanaw ang kalawakan ng hardin nito sa likod. Maalinsangan ang simoy ng hangin dahil pasado alas tres pa lamang.
Inugoy ni Kristoff ang duyan. Napasigaw ako. Kung ako'y hindi nakahawak ng maayos ay mahuhulog ako papuntang pool. Inugoy pa niya ng mas malakas ang duyan.
"Kristoff!" suway ko sa kanya.
Ngunit patuloy niyang inuugoy ng mas malakas ang duyan. Pakiramdam ko ay lumulutang ako tas lalagapak ako sa pool any moment. Ayoko mabasa! I've been into water too much.
"Ibaba mo ko dito o itutulak kita sa pool pagbaba ko!" sigaw ko sa huling ugoy niya. "Hindi ako nakikipagbiruan sayo, Kristoff."
Tawang tawa siya na pinipigilan ang pag ugoy ng duyan. Pagkatigil ay tumayo ako malakas na hinampas ang balikat niya. Nangangatal pa nga ang aking katawan.
BINABASA MO ANG
Take me Back (Euro Boys #2)
RomanceWould you take me back or take me with you? Euro Boys Series 2. De Guzman Completed. (May 11, 2020- October 11, 2020)