Sea you
"Dad, I'll go surf."
Tumango si daddy sa akin saka binalik ang atensyon niya sa kanya ng laptop. Si mommy naman ay namimili sa palengke ngayon kasama ang kanyang mga amiga dito sa La Union. Home town ito ng Daddy ko at napagdesisyunan naming dito muna magbakasyon after ng naging Oath taking ko. Hindi nakasama si Sariah dahil may pasok pa din siya sa school. I'm not sure if we're going to stay here until Christmas, pero okay lang din naman.
I will practice more with surfing although medyo malamig na ngayon dahil magpapasko na nga. Naka one piece naman ako.
I dreamed of celebrating it with Kristoff. Since he promised me that we will try to be together on that day this year. But I will also understand if he will be busy again or he will want to be with his family. I will expect that na so I will not be disappointed. I even invited him nung nagkaroon ulit kami ng dinner celebration with fam kaso hindi na naman siya pumunta.
Thaddeus coming back has so much impact on him ha? Should I blame him? I'm missing his brother na.
I tied my hair saka kinuha ang aking surboard sa may balkohane. Matingkad pa din naman ang sikat ng araw kahit medyo malamig na ang simoy. Hindi din ganoon kalalaki ang alon. Tamang tama lang talaga para magsurf.
Sumalubong ako sa mga alon saka sumakay sa aking surfing board. Nung una ay nahuhulog pa ako tuwing humahampas alon sa akin, pero sa pagtagal ay nakakatayo na ako hanggang makabalik malapit sa pampang. Matagal na nung huling umuwi kami dito. High school pa yata ako, kaya natutuwa ako at marunong pa pala ako mag surf. Hindi din ganoon kadami ang mga tao kaya sobrang perfect.
Nung nakaramdam akong nilalamig na ako ay bumalik muna ako sa dalampasigan. Medyo nakakalungkot din pala pag magisa ka lang sumasalubong at sumasabay sa alon. Binagsak ko ang aking katawan sa buhanginan at binabad ang aking mukha sa araw. I took selfies din so I can send it to Sariah. I wish she was here! Matagal na niya gusto matutunan mag surf.
Although the sand here is not white, pinong pino naman ito at hindi masakit sa paa. People used to travel here for the waves and not for the sand. And La Union never disappoints them.
We can't stop the waves from coming but we can choose which one to surf, somewhat similar to our feelings.
"Elle?"
Someone interrupted me from taking photos. Naharangan niya ang sikat ng araw. Hindi pa naman ako nakakakuha ng magandang sunkissed photo. Mabagal akong nag angat ng tingin sa kanya. Tinakip ko ang aking kamay sa aking ulo dahil hindi ko siya masyado maaninag.
"Mr. Lagdameo? I mean... Aerrol."
I startled. Napatayo ako saka pinagpag ang aking kamay na mabuhangin. I offered my hand which he immediately accepted.
"We meet again. It's good to see you Ms. Abarquez." He smiled at me. "Or should I say, Abarquez, LCB? You passed, did you?"
My heart jumped. Actually I checked their company online if hiring ba sila. Naalala ko pa noong huli naming pagkikita nang sinabi niya na mag apply ako sa kanila pag broker na ako. Hindi ko lang alam where I'm going to contact him. Si Thaddeus lang kasi ang kilala ko pero napag isip isip kong ayoko palang hingin ang tulong niya. But omg, he knew I had passed!
"Yes, I did. So ano pwede na ba ako mag apply sa company mo?" Biro ko.
"Oo naman, Elle. Actually nagsend na ako ng application form sa 'yo. Naunahan na kita. I guess hindi mo pa nakikita." tumawa siya.
"Ha? When?"
"May nagsabi sa akin na magaling ka daw, so I sent an application form to your house. Our company is just waiting for you, Elle. But no pressure. Apply anytime you want okay?"
BINABASA MO ANG
Take me Back (Euro Boys #2)
RomanceWould you take me back or take me with you? Euro Boys Series 2. De Guzman Completed. (May 11, 2020- October 11, 2020)