Kiss
Naiba na ang pwesto ng aming mga upo. Makakatabi si Dani, Tel and Marj. Sa gitna namin ni Marj si Kristoff. Si Kristoff na masayang nakikipag-usap sa mga kaibigan ko.
Paano niya nakakayanang ngumiti? Habang ako, ito nahihirapang huminga ng maayos. Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko. Ni hindi ko siya magawang tingnan. Parang ma-stiff na nga ang neck ko dahil hindi ko iyon maipaling sa parte nila.
"Nakita ko siya sa baba. I know naman that Elle is coming also so I invited him. Okay lang ba sa Kuya mo Tel?" tanong ni Marj.
I can't help but roll my eyes. For pete's sake, Marjorie alam mong walang kami. At hindi na magkakaroon!. Bakit mo pa siya isasama? Para ano? Magsinungaling ako sa harap ng mga kaibigan natin?
"Oo naman. Sabi ko nga kay Elle sabihan niya si Kristoff din e. Thaddeus is my Kuya's friend. Wait I'll call him."
Tumayo si Tel at pumunta sa katapat namin na upuan. Akala ko naman ang tatawagin niya ang Kuya niya. Kuya pala ni Kristoff!
"So Elle, kapatid pala ni Thaddeus itong si Kristoff na dine-date mo. Kaya pala magkakilala kayo nung sa bar." panukso ni Dani.
"Dani, nagkakamali-"
"They are no longer dating." He cut me off!
Naputol ang sinasabi ko ng maupo si Thaddeus sa may kaliwa ko. Sinandal ang kanyang katawan at denikwatro ang binti.
"Ha? Pero diba siya yung pinakilala mo sa amin dati?"
Mawawari mo ang pagkalito sa kanyang mukha. Ito na nga ba ang ayaw ko mangyari e. Yung magharap harap kami ng hindi pa ako okay. Hindi pa kami okay. Yung hindi ako ready.
Tapos pinakilala mo noon sa mga kaibigan mo. Ngayon kasama mo na naman pero hindi mo masabi na wala na. Na wala ng kami. Dahil wala naman talaga.
Hindi naman sa natatakot akong pagtawanan nila ako. O majudge nila ako. Iniisip ko kasi kaya ko bang aminin? Tanggap ko na ba talaga sa sarili ko?
Nagpakawala ako ng malalim na paghinga.
"Yeah. P-Pero dati pa yun, Dani. He has a girlfriend now."
In my peripheral view, Kristoff's looking at me with his lips partly open.
"Elle." He sighed.
I can hear the disappointment in his sighs. For the nth time, I faked a smile.
"Excuse me. Cr lang ako."
Tumayo ako. Kahit naman hindi ako uminom kanina ay nanlalabo ang aking paligid. Tinakbo ko na iyon hanggang makapasok ako ng CR. Bumagsak ang mga luha ko sa mata ng ganun kabilis.
Kahit paulit ulit kong sabihin sa sarili ko na okay lang. Okay lang kung hindi naging kami. At least hindi nga naman ako napunta sa maling tao. Pero, minahal ko na 'tong maling tao na 'to e. Andun na ako sa point that I dreamed we would have a relationship. Where I would support him in his career. Where I would cook for him. Wait for him till he graduated and start with our plans. For 8 months, pinangarap ko na yun. Tapos siya, bumubuo na pala ng pangarap kasama ang iba.
"Elle." someone tapped my back.
I saw Marj's face in the mirror. I wipe my tears. I don't care if she could see me crying or wiping my tears. What is so bad with having emotions, ha?
"I'm sorry." She apologised.
"Marj, can you please stop?"
"I didn't mean to... I mean..." hindi niya matuloy ang sinasabi.
BINABASA MO ANG
Take me Back (Euro Boys #2)
RomantizmWould you take me back or take me with you? Euro Boys Series 2. De Guzman Completed. (May 11, 2020- October 11, 2020)