Kabanata 50

357 6 12
                                    

;

Nauna umalis si Aerrol. Kasunod niya si Levi at Roman. Hinintay naman akong makababa ni Sariah at Bryce saka kami sabay na umalis. Kay Kristoff ako nakasakay.

I waved to my parents. I am so confused. They want me to wear this white silk trumpet dress. Emphasizing my not so big bust and curvy figure. My legs looked longer here, too.

"Are we really going to attend a wedding in the midst of what's happening?"

Tumango si Kristoff pagsakay niya ng sasakyan.

"Sino bang ikakasal? Yung Engineer Rayomar?"

Hindi siya sumagot. Bagkus ay ini-start niya ang sasakyan at pinaandar papalabas ng condo.

On the other hand, if this is the only way para makita ko si Thaddeus I'm okay with it. Baka kasi iniisip nila walang mananakit sa amin dahil madaming tao pag kasal. Wala naman siguro mangangahas pumatay kung sa simbahan ang venue.

Pero kahit anong pag papakalma ko sa aking sarili. Kahit aliwin ko ang sarili ko sa daan. Hindi ko pa din maiwasan na hindi maisip na baka si Thaddeus talaga ang ikakasal. At ito na ang huling beses na makikita ko siya.

We are all in formal attire. Bakit nga ba hindi ko agad napansin. Akala ko kasi normal na talagang suot ng mga lalaking kasama ko kanina ang long sleeves polo at slacks.

"Makikita ko ba si Thaddeus mamaya?" tanong ko.

"Just trust us." aniya.

"What if you're going to bring me to your Ahma and to Mr Sanchez? Bakit hindi pwede na kay Aerrol na lang ako sumakay?"

"Do you really think na magagawa ko iyon sayo? When I ask you to trust me, I'm asking you to trust Kuya. Ihahatid kita hanggang sa kanya Elle." He said calmly.

May inabot siya sa may tabi ng kambyo. He offered me a bottle of water. I'm hesitant to accept it.

Grabe ang trust issues ko ngayon. Feeling ko papainumin niya ako ng pampatulog e. Natatandaan ko noon na nagawa niya akong lokohin para lang makuha ang tiwala ng Mama niya.

Huminga muna ako ng malalim bago ko tinanggap ang bote ng tubig. Maybe we didn't end well. Pero hindi naman siguro aabot sa ganung punto si Kristoff.

"Pahinga ka. Okay lang. Medyo mahaba pa ang byahe."

Umiling ako. Inihilig ko na lamang ang aking upuan papalikod at ipinahinga ang aking ulo.

"How's Hazel? Alam ba niya na kasama mo ako?"

"Yes. Gusto niya sumama. But it's much safer if she's out of this."

"Yeah."

I know she's not okay with this. Kristoff is risking his life as well. Pag nahuli kami hindi ko na alam ang pwede pang mangyari. Pero mas natatakot ako kapag ang naghanap at nag habol na sa amin ay mga tao ni Mr. Sanchez. Kahit gaano pa kalalaking pangalan ang dala dala ng mga kasama ko, para pa rin kaming nagkikipaghabulan kay kamatayan.

He took a glimpse of me. Then he smiled.

"Elle, I'm graduating next year. I'll take the boards right after."

Napangiti din ako.

"You'll soon be an Architect. Your Mama, Vani and Kuya would be proud. Lalo na si Hazel."

"Si Hazel gagraduate na siya ngayong taon. I am now investing to companies related to my field. Siyempre hindi sa company namin."

Nag-half smile siya.

Take me Back (Euro Boys #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon