Help
Tumayo si Michael sa may tabihan ko at inilahad sa akin ang kanyang kamay. Mukhang inaanyayahan niya akong sumayaw. Nagtilian ang mga kaibigan kong nakapalibot sa mesa namin.
Parang gago 'tong mga to. Mga may amats na ata.
Mas lalo kong siniksik ang aking sarili sa sofa. Nahihiya ako dahil ultimo nasa ibang table ay tumitingin sa amin sa sobrang ingay nila.
"Huy sige na, Elle!" bugaw sa akin ni Danica na pilit akong hinihila papatayo ng sofa.
Umiling ako at ngumisi sa kanya. Hoy kanina pa nga kami magkausap e. Kanina pa din ako nakikinig sa kung ano anong mga kinukwento niya. Kailangan pa ba talagang sumayaw?
Natamaan ng tingin ko si Thaddeus sa may likod ni Michael, seryoso ang kanyang mga matang pinapanuod kami. Saka sumisim sa iniinom na alak with his usual smug look. I blinked away and acted as if I did not see him. His stares were smothering.
Palagi naman talaga kaming niloloko sa isa't isa nitong si Michael. Kakaunti lang din kasi ang nakakakilala kay Kristoff. Well, not all of them should know him naman. Pero ano na lang ang iisipin ni Thaddeus nito. Baka isipin niya ay hindi ako seryoso sa kapatid niya para makipag sayaw pa ako sa ibang lalaki.
Tsaka hindi ko naman type si Michael. Medyo malambot siya para sa akin. Bukod doon, kaibigan lang talaga ang turingan namin sa isa't isa. Gusto lang din niya siguro sakyan ang trip kaibigan namin.
Napatili ako ng malakas matapos bumagsak ni Michael sa katawan ko, making me squirmed.
"Ano ba!"
Mas lalong lumakas ang kantyawan ng mga kasama ko dahil nakadagan siya sa akin. Mabuti na lamang at mabilis kong naiiwas ang mukha ko bago pa siya mapahalik sa akin.
Danica pushed him to me and his body darted to me like a bulls eye! Oh my gosh, he's over me!
Mabilis kong tinulak si Michael papalayo sa akin. Mukha din kasing wala siyang balak tumayo. Nanghihina siya at tawang tawa sa nangyari. Amoy alak at mukhang may tama na. Halos mahilo ako sa kanyang amoy.
"Hoy, ang kukulit niyo. Baka umuwi niyan si Elle e, gusto ko lang naman siya isayaw." sabay hilot sa kanyang batok.
I glared at him.
"Edi magsayaw kayo! Tayo na diyan! Elle." bugaw ni Tel sa akin.
Oh bakit hindi kayo ni Thaddeus?
Hinihila naman ako ni Marj papatayo. Napailing na lang ako. Nako, di talaga titigil 'tong mga 'to. Mga bugaw! Pulang pula na si Michael kakakantsaw nila. Mabuti na din siguro kung aalis kami dito at ng matahimik sila. Sumasakit na ang tenga ko.
"Osige na sige na."
I raised my both hands, shoulder level na parang sumusuko.
"Ellecia." a deep baritone voice called my name.
Sabay sabay kaming nagtapon ng tingin sa kanya. I gasped. Nakatayo siya sa di kalayuan sa aming table. Sa ingay sa buong bar na ito, dito pa lamang sa pwesto namin ay halos rinig naming magkakaibigan nang banggitin niya ang pangalan ko.
"Walang sasayaw." matigas niyang sabi. "So put your hands down."
Nagsitahimikan ang mga kasama ko. Ang maingay naming table kanina ay napuno ng bulungan. The sudden silence filled our area. Kanina nakaupo lang siya dun sa table nila. Bakit minamanduhan na naman niya ako ngayon.
"Magkakilala kayo?" bulong ni Marj sa akin.
"Sabi mo hindi mo siya kilala?" Hinila ni Michael ang aking kamay pababa.
BINABASA MO ANG
Take me Back (Euro Boys #2)
RomanceWould you take me back or take me with you? Euro Boys Series 2. De Guzman Completed. (May 11, 2020- October 11, 2020)