Kabanata 25

251 7 2
                                    

Condo

"Bakit ka nakabihis, Elle? Hindi ka papasok. Bumalik ka dun sa kwarto mo." she commanded.

"Ma! Ano bang problema niyo? Dalawang araw na akong absent sa office."

Napailing na lang si Daddy sa akin at minuwestra na bumalik ako sa kwarto.

Hindi ako makapaniwala.

"Dad? Wala naman akong sakit para pagbawalan niyo akong pumasok. Andami ko ng trabaho na napepending. Magagalit na sa akin yung manager namin."

"Hindi ka papasok, Elle." pinal na sabi ni mommy.

Nung nalaman nila last sunday na sa Lagdameo building ako nagtatrabaho hindi na nila ako pinayagan pumasok ulit sa trabaho. Hindi ko alam ang problema. Basta galit na galit sila na parang kasalanan ang pagtatrabaho ko doon. Pumayag lang ako nung lunes dahil akala ko ipapaliwanag nila sa akin kung bakit pero wala. Hanggang ngayon. Balak ko sana pumasok ngayon kahit half day.

"It's either magreresign ka o maga-AWOL ka. Mamili ka, Elle."

"Ma!" binaba ko ang aking shoulder bag sa sofa. "I don't get you. You know na dun sa company na yun ko gusto magtrabaho. Tapos ngayon na dun na ako nagwowork pinagreresign mo ako? Ano ba namang option yan?"

"Wala kang sinabi na sa mga Lagdameo ka nagtatrabaho, Elle! Mag iisang buwan ka na don!" Her voice thundered. "Hindi pwede. Hindi ka babalik dun."

Sinuklay niya ang kanyang buhok palikod. Mukhang stress na stress siya na para bang sobrang big deal non. Ano bang akala nila sa akin? Bata? Napakagandang kumpanya nun tapos papaalisin lang nila ako basta basta. Ang unprofessional ko naman.

"You can't ask me to resign, Mom. Hindi ako magreresign. Mismong COO pa nung company na yun ang nag invite sa akin na mag apply dun. Hindi pa ako broker nasabihan na niya ako."

"At nagkakausap pa kayo ng mga Lagdameo? Kailan pa Elle? Kailan pa?"

Habol habol ni mommy ang hininga niya. Naguguluhan akong tumingin sa kanila ni Daddy. He looked away.

His presence here is just to support mom. He has no plans of meddling nor explaining.

"Dad? Speak something. What the heck is happening with mom? Ano bang problema niyo sa mga Lagdameo?"

"You will not understand, Elle." sabi ni mommy.

"I'm talking to Dad, Mom. If you don't mind." I shut her down.

Matagal na tumitig sa akin si Daddy bago sumulyap kay mommy. Huminga siya ng malalim.

"Ed." My mom's voice echoed.

"When your mom says hindi ka babalik sa Lagdameo, hindi ka babalik. That's final."

Naluluha akong umirap sa kanila. Bumagsak ang aking dalawang balikat.

"I can't believe the both of you. Couldn't you atleast give me reasons why? Dad, pumirma ako ng kontrata dun. Mabe-breach of contract ako."

I'm getting really frustrated.

"Then resign." matigas na sabi ni mommy.

"I can't resign until six months, Mom. Nakalagay yan sa kontrata."

"Tanginang kontrata yan, Elle. Kung sinabi mo agad na diyan ka mag aapply sa kumpanya na yan hindi ko hinayaang makatungtong ka diyan."

"Bakit nga!"

"Dahil hindi pwede. Hindi ka babalik sa kumpanya ng mga Lagdameo. Tapos."

Binagsak ni mommy ang kanyang kamay sa lamesa. Pagtapos ay tinungo niya ang kanyang kwarto. Kinagat ko ang aking labi. Stopping myself to cry and blurt more. These are my parents. They must have a reason. Pero dalawang araw na namin 'to pinagtatalunan. Pag di talaga nila sinabi sa akin kung bakit, araw araw namin 'to pagaawayan.

Take me Back (Euro Boys #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon