Kabanata 46

252 8 9
                                    

Chance

Nangangatal ang aking kamay habang humahangos ako papalabas dala ang isang baso ng tubig.

"Dalian mo. Ano ba!" sigaw ni Lovely sa akin.

I got startled. Hagya akong natapunan pa ng tubig sa aking damit.

"Anak." suway ni Manang Sunshine.

"Don't shout at her, Lovely." madiin na sabi ni Thaddeus habang marahang ibinababa ang kanyang ina sa sofa.

Kinuha ni Lovely sa akin ang baso tubig. Tita Veronica passed out. Malayo pa lamang niya akong nakikita ay mabilis nagtaas at baba ang kanyang dibdib. We didn't even confess anything. Bumaba lamang ang kanyang tingin sa aming kamay na magkayapos.

She was out of words. Nagpanic kaming lahat. Mabuti na lamang ay mabilis na nahagip ni Thaddeus ang kanyang ina para hindi siya bumagsak sa sahig. Pumasok kami sa loob ng bahay dahil madaming bisita sa labas. Naiwan ko na din si Sariah. Kasama niya sila Aerrol at Bryce sa labas. Wala naman ganoong nakakita kaya pakiramdam ko ay hindi iyon usap usapan sa labas.

Vani hugged me from the back. I missed this girl so much. She glowed up, bigtime. Dalagang dalaga na ang kanyang hitsura. Hindi man lamang pa kami nakakapag batian dalawa ay ganito na ang nangyari.

Pinapay payan siya ni Manang Sunshine. Pakiramdam ko ay nahimasmasan na si Tita Veronica ng kaunti. She massaged her temple. Naniningkit ang mga mata. She looks so stressed.

Nung una ay parang wala pa din siyang malay sa nangyari. Hanggang nang matamaan ako ng kanyang mata. Para ako ang nagsindi sa kanyang mitsa para sumabog siya muli sa galit.

She pointed at me. Her hands were trembling.

"Get that woman out of my house!" sigaw niya.

"Ma!" suway ni Thaddeus habang pinipigilan ang kanyang ina na tumayo. "Can you calm down?"

Tita Veronica madly looked at her son.

"Calm down? You are asking me to calm down? How could you bring this woman here again? Ha! Hindi na kayo nahihiya. Andami nating bisita tapos dadalahin mo iyang babae na iyan dito."

"Ma, we talked about this already. Diba? Why are you acting like this?"

"Sinabi ko na din na ayoko diba? Anak, ayoko sa babaeng iyan. Alam na ng mga amiga at tita mo na ikakasal ka kay Geneva!"

She pointed me again. "Hindi sa kanya!"

"Ma!" sabay na suway ni Vani at Thaddeus sa kanyang ina.

Nagpanggap na lamang akong hindi ngumisi sa akin si Lovely na 'to.

"Mom, you liked her before! Anong problema ngayon?"

"I never liked her. Hindi ko alam kung bakit gustong gusto niyo ang babae na iyan. Siya ang dahilan kung bakit palaging nag aaway noon ang mga Kuya mo, Vani! Remember? Nung araw araw halos mag patayan si Thaddeus at Kristoff nung naghiwalay sila ng babae na 'yan! Nung inurong ni Hazel ang kasal kay Kristoff. Nang umalis ang Kuya mo para bumalik ng Spain para kalimutan ang babae na iyan. Nakalimutan niyo na ba iyong lahat ha?"

Nagpabalik balik ang tingin niya sa dalawang anak. Namumula ang kanyang mga mata at nangungumbinsi.

"Ma, that is not Elle's fault."

Ngayon ko na lamang muli narinig ang boses niya. Pagkatapos ng huli naming komprontasyon, ngayon na lamang muli. Parang pinipiga ang puso ko na marinig na pinagtatanggol niya ako ngayon. Nakita ko siya kanina sa party. Ang kanyang mga tingin ay makahulugan at nag aalala.

Take me Back (Euro Boys #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon