Drive
"Kuya!" tawag ni Vani. "Hindi naman yon ang tinatanong niya."
Umangat ang aking labi. Umupo siya sa aking tabi. Hubad at naka khaki shorts lamang. Magulo ang kanyang buhok at mukhang kagigising lamang.
Sumulyap lang siya saglit sa akin saka nagpatuloy sa pagkuha ng carbonara sa may aking tabihan.
"Kuya magdamit ka nga. Kita mo namang may bisita tayo e." naiinis na sabi ni Vani.
"Dadalas din naman siya dito e. Masasanay din siya."
Mabilis kong iniwas ang tingin ko sa kanya. Pakiramdam ko ay umiinit ang tenga ko.
Hindi ko alam pero naiinis ako sa presensya niya at sa sinabi niya kanina. Ibig sabihin madalas dito yung babaeng katabi niya kanina?
"Oo, Elle. So stop thinking about it." sabi ni Thaddeus na parang nababasa niya ang naiisip ko. "Kumain ka na diyan. Lalamig ang pagkain."
My lips parted. May iba bang connection pag magkatabi kami at parang alam niya ang naiisip ako? Gusto ko tuloy lumipat ng upuan. Kakatakot baka ilang minuto lang masaulo na niya ako.
"Sound like a dad." I murmured.
"What?" iritado siyang lumingon sa akin.
"Kuya material." I lied saka ako umirap sa ere.
He sounds like a dad. He's old and authoritative. Parang ganito din si daddy pag kumakain kami e.
Pwede din naman siyang daddy. Sugar daddy. Humalakhak ako sa isip ko.
"Do you have a brother, Elle?" tanong niya.
"I don't have. Isa lang ako. Pero kung gusto mo pwede namang ikaw na lang. Kuya." I teased.
Kita ko ang pagkunot ng kanyang noo sa gilid ng aking mata. Ngumisi ako.
"Apologies, but Elle I don't want you as my sister."
Okay! That hurts. But also expected that he would say that. Haha. Gusto ko lang siya asarin pero ako yung naaasar. Fucker.
"Kuya! Watch your mouth." binagsak ni Vani ang kanyang kubyertos sa mesa.
"What? Tama na yung isang babantayan. Pwede naman siya e, ate niyo ni Kristoff." he shrugged his should
Ate nino??? Dahil ba mas matanda ako kay Kristoff? Pinag iinit talaga nitong Thaddeus na to ang bait ko e. Isa pa. Isa pa talaga susuntukin ko na to.
"I'm not that old, Thaddeus."
Nagkibit balikat muli siya. Aba talaga. Three years lang naman pagitan ng edad namin ah!
I darted my eyes to my food, wala na talaga akong gana. Pagka pupunta ako dito palagi sa bahay nila tas ito makikita ko e parang tatamadin ako. Bwiset!
May lumapat na kamay sa balikat ko. Lumingon ako sa aking kanan at nakatayo doon ang hinihingal na si Kristoff. Mukhang kadadating lang niya at di ko na namalayan.
"Sorry, Elle. Pinauwi ko na sila."
"Bakit naman? Okay lang naman ako dito." pagsisinungaling ko.
Okay ako kanina nung wala tong Kuya mo.
"Okay lang. Tapos na din naman yung pinapanuod namin. Tapos ka na ba kumain?" Sumulyap siya sa plato kong kakaunti na ang laman.
Hindi naman kasi ako kumuha ng madami dahil kakakain ko lang.
"Pwede usap muna tayo?"
"Kristoff let her eat." sabi ni Thaddeus.
Humawak ako sa kamay ni Kristoff sa aking balikat at tumango.
BINABASA MO ANG
Take me Back (Euro Boys #2)
RomanceWould you take me back or take me with you? Euro Boys Series 2. De Guzman Completed. (May 11, 2020- October 11, 2020)