Sunset
Kulay bughaw ang kulay ng suot niyang polo. Parang ito ang polo na sinuot ko dati sa condo niya. That polo looks better on him. Maganda ang kanyang tindig habang may kausap sa telepono.
Naagaw ko ang kanyang atensyon habang naglalakad ako papalabas ng elevator. It seems he ended the call right away the moment he saw me. Grabe, parang sa bawat araw na nakikita ko siya ay lalo talaga siyang guma-gwapo.
Napatigil ako sa paglalakad. Kumunot ang noo niya. Ayoko lang siyang titigan sa mas malapit? Bakit?
Siya na mismo ang naglakad papalapit sa akin. Inayos ko ang aking buhok.
"Why did you suddenly stop?" napapaos niyang tanong.
"Nothing." umiling ako habang nakangiti.
Nagbend siya hanggang sa aking lebel. Inaanalisa ang aking hitsura. I don't want to say my praises about him out loud. Kaya pinaglapat ko ng madiin ang aking labi. Pero di ko mapigilan ang pag ngiti. He's extra handsome today.
Siguro ay dahil birthday niya?
"Happy Birthday." bati ko saka ngumuso.
He smiled, showing off his drop dead smile. His eyes are even smiling. Okay I'm praising him too much today.
"Thank you, love."
Inalis niya ang namamahingang kamay sa bulsa at hinapit ang aking baywang papalapit sa kanya. Humalik siya sa aking noo. I shut my eyes off. Damn, this position made me sniff his scent while enjoying his lips on my forehead.
"Let's go. Pag nakita tayo ni Aerrol dito sa baba sasama din yun." aniya at hinila ako papunta sa kanyang sasakyan.
"Saan ba tayo pupunta?"
"Sa bahay."
"Ha? Bakit dun? Tumawag si Aerrol sa akin kanina sabi niya sabay na daw nga kami pumunta sa paparty mo sa Downtown."
Pinagbuksan niya ako ng pinto.
"Hop in. I'm not coming to that party. Ikaw ang gusto ko makasama sa birthday ko. They can celebrate without me."
Kinunutan ko siya ng noo.
"Paano sila mag cecelebrate ng wala yung celebrant? Baliw ka. I'm okay going to the bar."
"Well, I'm not okay with it. That will just leave me pissed seeing someone staring at you at the bar. So nah, I'd rather take you home. I prepared something."
Tumango ako. Sumakay na lang ako ng kotse. Birthday niya ngayon. Birthday niya. Siya lang ang pwede magalit today.
E kasi naman ano namang klase yung naghanda ka ng party tas ikaw yung wala. At tsaka kinakabahan na naman ako kasi sa bahay na naman nila. For sure nandun si Kristoff, si Tita Veronica. Jusko. Okay lang naman yung family dinner e. Pero kelan ba ako masasanay?
Aarte pa ba ako. Wala naman akong ambag sa birthday niya.
Naglalakad na kami sa malawak nilang hardin papunta sa likod bahay. Nakakahingal dahil bahagyang malayo ang parking papunta sa pool area nila. Pero wala namang nakahanda sa mesa nila. Patay din ang ilaw dito sa baba.
Saan kaya kami pupunta? May lihim na lagusan siguro dito tapos lalabas kami sa bar.
Nag patinaod lamang ako sa kanya. Tumigil kami sa may gilid at may paikot na hagdan papataas.
"Don't tell me aakyat tayo diyan?" tanong ko.
Tumango siya habang nakangiti.
Okay? First, I'm wearing high heels. Second, naka vintage white dress ako na maikli. Tapos aakyat ako sa hagdan na butas butas? Kung may tao sa baba sagana ang makakakita.
BINABASA MO ANG
Take me Back (Euro Boys #2)
RomanceWould you take me back or take me with you? Euro Boys Series 2. De Guzman Completed. (May 11, 2020- October 11, 2020)