Alone
Nagdesisyon ako na iwan na lang muna si Jerpie kila mommy kasi umiiyak siya nang umalis ako. Three weeks din ako nag stay kila Sariah. Kahit di naman nila ako pinapaalis ni Tito Justine, kailangan ko na din siguro bumalik sa bahay. Palagi ako kinukulit ni Sariah sa nangyari. She needs to study well kasi malapit na siya grumaduate ng college. Hindi siya nag aaral ng maayos pag nandun ako. Hindi din siya pwedeng maapektuhan sa problema ng pamilya namin.
"Elle do you really have to go back to your house? Wala naman nagpapaalis sayo." she pouted.
"Of course. Baka namimiss na nila ako."
"Ang daya mo naman e. Dumating ka dito ng wala akong narinig sa kung anong nangyari. Tapos aalis ka ng wala pa din akong alam. Grabe, Elle."
"Tatampo ka naman agad. Ipasa mo muna ang comprehensive exams niyo. Pag naka graduate ka I will treat you. Kahit anong gusto mo."
"Itext mo nga sa akin yang sinabi mo. I need a receipt because for sure papasa ako."
I chuckled. "Alright. Just make sure."
Bumalik ako sa bahay namin na parang walang nangyari. Though tahimik naman talaga sa amin. Awkward silence filled the whole unit. Ramdam ko ang pagsunod nila ng tingin sa pagpasok ko. Nasa table sila kung saan kami palagi nag aayos at nagpapake ng mga pabango.
"Anak, kumain ka na ba?" Mom asked.
Umiling ako. "I'm full."
Tsaka ko sinaraduhan ang pinto ng kwarto. Itinabi ko ang mga gamit ko sa ay kabinet saka binagsak ang katawan ko sa kama. Sa tatlong linggo araw araw akong bumabyahe from Paranaque to Makati. Sa loob din ng panahon na iyon. Palagi ko naabutan si Thaddeus sa building tuwing umaga na naghihintay sa akin.
Tuwing hindi ko siya pinapansin tumitigil din naman siya sa pagsunod sa akin. Pero nitong huling linggo ay hinahatid niya ako hanggang makarating ako sa office mismo. Hindi ko siya tinaboy o tinatapunan man lamang ng tingin. Alam niya din siguro na hindi ko siya kakausapin kaya hindi niya ako pinipilit. Araw araw din akong nakakatanggap ng pagkain galing sa kanya pero binibigay ko iyon kay Kristel para hindi masayang.
Pero tila ba ang hirap hirap huminga palagi pag nararamdaman ko ang mga yabag niya, tuwing malapit ang katawan niya sa akin sa elevator.
Tuwing iisang hangin ang nilalanghap naming dalawa!
Ang hirap. Ang sakit sa puso. Hindi ko matanggap na hindi naman pala niya ako mahal. Ang sakit lang na palagi ko siyang nakikita, palagi ko siyang nararamdaman. Umaasa ako sa kakaranggot na baka mahal niya ako.
Kasi bakit niya ito ginagawa. Bakit pa niya ako pinupuntahan.
Ang sabi ko nga ay titigil din naman siya pag hindi nabibigyan ng pansin. Magsasawa din siya at mapapagod kakabalik dito nang wala naman nangyayari. Wala naman kaming napapagusapan.
And I heard enough. Hindi ko kailangan makipag usap pa sa kanya.
Siguro ay tama na din ito. Para sa ikakatahimik ng lahat, ng pamilya ko at lalo na ni Tita Veronica. Pero yung puso ko yata hindi matatahimik. Napakalas palagi ng pagtibok.
I want to push Thaddeus away. Gusto ko siyang sigawan at araw araw na itaboy. Pero parang ako din ang masasaktan kung gagawin ko iyon.
Di ko namalayan nakatulog na ako ng hindi nakakapag alis man lang kahit sapatos na suot. Alas singko na at dama ko na ang gutom. Nung kumain ako kanina ay hindi pa nagtatanghali.
Lalabas na ako ng kwarto. Sana naman ay busy sila o kaya ay nasa sala para less interaction.
Narealize ko lang din. Things should have been settled the same day. Kaysa umalis ako noon. Just like in romantic relationships, ang problemang pampamilya dapat ay hindi din pinapatagal. Never letting someone sleep without solving the issue. Dahil habang tumatagal, mas lalong lumalalim.
BINABASA MO ANG
Take me Back (Euro Boys #2)
RomanceWould you take me back or take me with you? Euro Boys Series 2. De Guzman Completed. (May 11, 2020- October 11, 2020)