Pumunta
"Anong sinasabi mo?"
Mahina akong tumawa.
Kahit nangangatal ang aking kamay ay pilit kong kinuha ang bulalo mami sa may tabi ng kanyang kamay. Magpapanggap na lang akong kakain muli para malihis ang usapan.
Paulit ulit na bumubulong sa aking tainga ang mga salitang sinabi niya.
Muntik na iyong dumulas at mahulog sa aking hawak. Mabuti na lamang at nasuportahan ni Thaddeus ang aking dalawang kamay. Kinuha niya ang hawak kong bowl at nilapag muli iyon sa kanyang tabi. I looked down cause I could feel his gaze.
"Elle."
Pumikit ako ng mariin. Don't fucking repeat it. Cause I heard it clearly.
"Girlfriend ni Kristoff yung babaeng nakita mo sa bahay." he said directly na para bang hindi ako masasaktan sa sinabi niyang iyon.
"Oh please! Kristoff is too busy to have a girlfriend."
Nakuha ko pang umirap sa kanya gayung parang namumuo na ang luha sa aking mata. Mas lalong umigting ang kanyang panga, parang hindi matitinag ang kanyang titig sa akin. Para bang gusto niyang patunayan sa akin na totoo ang sinasabi niya sa pamamagitan ng pagtingin niya ng diretso sa aking mata
And I hate it. I fucking hate it! He's entering my soul where he can also feel what I'm feeling right now.
Sa ginagawa niyang iyon ay mas lalo lamang akong naiiyak. Yumuko ako at isinadal ang aking ulo sa aking kamay. Inawang ko ang aking bibig dahil punit ang aking paghingang lumalabas doon.
"Thaddeus... w-what are you doing? What t-the hell are you trying to do?"
"I'm not kidding with you, Elle. Kasama namin siya dito sa La Union."
Saglit akong napatigil sa paghinga. Even my hear skipped a beat. Nandito siya? Imposible!
"I don't believe that. He's busy with the tasks your mom asked him to do. Sabi niya sa akin sobrang busy daw niya at naiintindihan ko iyon kung marami siyang pinagkakaabalahan especially pumapasok siya sa school. Ano? Sige kung nandito nga siya ba't di mo siya sinama dito satin para naman nakapagkita kami."
"He doesn't know that you are here, Elle. Kahit ako nagulat na lang din ako na nandito ka."
"Bakit? Anong nakakagulat? Pasyalan naman to e. E ano kung magkita kita tayo diba."
Binagsak ko ang aking kamay sa mesa. I tried to glare at him kahit kaunti na lang ay tutulo na yung luha sa pisngi ko. I'm trying my best not to cry. Please, stop.
"Hindi ko alam kung anong ginagawa mo. Kung bakit mo ito sinasabi sa akin. But don't try to ruin what we have. Hindi ko na nga alam kung anong meron o kung nasaang lebel kami tapos lalo mo pang aalisin."
"I'm telling you the truth you deserve to know. Because clearly, hindi mo deserve maramdaman yan. Hindi ka deserve ng kapatid ko Elle. You deserve so much more."
Bumagsak ang tingin ko sa aking kamay. Ilang beses niyang binanggit ang salitang iyon pero kahit ako sa sarili ko hindi ko alam kung ano nga bang deserve ko.
Ngayon tuloy ay kinukwestyon ko ang sarili ko sa kung bakit nga ba ako pumayag na ganito lang kami. Kung bakit ko hinayaan na hindi kami nag-uusap, kung lumalayo na ba ang loob niya sa akin. Hindi ko alam!
Kasi kung totoo ang sinasabi niya, hindi ko maiiwasang sisihin ang sarili ko. Hindi si Kristoff. I bit my lower lip. Sa sobrang diin noon ay parang kaunti na lamang ay malalasahan ko ang dugo doon. Mas gusto ko pang maramdaman yung sakit sa pisikal kaysa maapektuhan ang emosyon ko.
BINABASA MO ANG
Take me Back (Euro Boys #2)
RomanceWould you take me back or take me with you? Euro Boys Series 2. De Guzman Completed. (May 11, 2020- October 11, 2020)