Baby
"Ate Elle? Ate Elle? Could you come here please?"
I'm lying on my bed. Tutulog sana ako ngayong hapon. Pagod na pagod kasi ako sa pag aayos ng bagong order ng pabango. Kanina pa din tumatawag sa akin si Vani. Ngayon ko lamang nasagot.
Kinabahan naman ako sa tono ng kanyang boses. Mukhang natatakot siya na kinakabahan. That's not her usual tone.
"Bakit? Anong nangyari?"
"Atee. Si Kuya..." parang tumatakbo siya dahil hinihingal ang kanyang pagsasalita.
Namuo ang kaba sa aking dibdib.
"Ate, you really have to come--" napabalikwas ako ng tumili siya. "Kuya!" sigaw niya.
Mahangin sa kabilang linya at parang humahangos siya. Di ko sure kung tumatakbo.
"Tell me what's happening? Could you calm down?"
"Be here as fast as you can. I can't stop Kuya. But--" tumili muli siya. "Drive safe."
"Okay I'll be right there."
Saka niya binaba ang tawag. Bumangon ako sa kama na parang di nakakaramdam ng pagod. Nakashort lamang ako saka nagpalit ng baggy shirt.
Ano na naman bang nangyari? Sinong Kuya ba sinasabi nito? Or maybe both of them. But stop them from? Nag aaway ba sila? It can't be. Kinakabahan ako. Yung kabang dumalaw sa akin kanina ay lalo lumala.
Hindi na ako nakapag paalam kila mommy. Kumakain sila ng ako'y umalis. Tanghalian pa lang nila iyon pero alas tres na ng hapon. Kahit ako naman ay hindi pa kumakain.
Ngayon ay babalik na naman ako sa kanila. Two weeks have passed since I almost gave into him! Almost... I'm screaming. I couldn't say that we became civil or baka ako lang ang naawkward tuwing nagkikita kami ni Thaddeus. Because he's still the same. Kung paano niya ako pakisamahan. Baka natural talaga sa kanya ang ganun. Though he gets sweeter. Parang simula pa naman nung una.
Mas ma-attitude lang siya ngayon. Nakakapundi ng bait. Yung gusto mong kiligin pero mapupunta lang sa inis. Isama mo pa si Aerrol. Palagi na lamang nila akong inaasar.
Sinubukan kong tawagan si Thaddeus habang nagdadrive but I can't get him. Medyo naiistress na ako. I don't want to call Kristoff naman. No way.
Wala ba dun si Tita Veronica? There's no way they'll fight. I can't get enough of that thought.
Kilala naman na ako dito kaya pinagbuksan din ako agad ng gate. Mabilis kong pinarada ang aking chevy. I'm not even sure if it's parked well.
Makalagpas ng malaking fountain sa may rotonda ay nasilayan ko na sila. Napatigil ako at napahawak sa aking dibdib. Nakatayo sa may pinto ng bahay nila si Tita Veronica. Nakangiti at yakap ang sarili habang pinapanood ang kanyang tatlong anak.
Omg she's here. If she's here... anong problema?
Tumatakbo si Vani habang hinahabol siya ni Thaddeus na may buhat na aso. Si Kristoff naman ay pinipigilan si Vani sa likuran. Tili siya ng tili at mukhang natatakot. Tuwang tuwa naman ang dalawa niyang Kuya na pinagtutulungan siya.
Takot si Vani sa aso? Mukhang umiyak siya dahil mapula na ang mata nito.
Nag apir ang dalawa niyang Kuya habang tawang tawa. Napailing na lamang ako sa di kalayuan. Kawawang aso at kawawang Vani. They are getting played by these two De Guzmans.
But imagine them when they are younger. Tapos ganito sila kasaya panuorin. I've never seen Thaddeus and Kristoff laughing together. Ngayon lang. Although they are okay naman siguro. Ako lang nag iisip na hindi.
BINABASA MO ANG
Take me Back (Euro Boys #2)
RomanceWould you take me back or take me with you? Euro Boys Series 2. De Guzman Completed. (May 11, 2020- October 11, 2020)