Girlfriend
After a long day of preparation sa wakas natapos din ako. Nagluto ako ng mga handa namin ngayong pasko. Dapat kagabi sa salubong kaso hindi nakauwi ang parents ko. Ngayon ay padating pa lang sila galing sa warehouse sa batangas na pinagdalahan nila ng supplies ng pabango. Madami kasing nagorder sa kanila ngayon, pang regalo for Christmas.
Speaking of pabango, mukhang hindi ko mamimeet yung date bago ko ilabas yung ginawa kong pabango for Thaddeus. Dapat kasi one week 'to para di madegrade yung essential oils. But anyway di pa naman ako sure kung kailan ako pupunta don e. Kahit kahapon pa lang ay kinukulit na ako ni Vani na pumunta sa kanila.
Lumabas ako ng balkonahe namen pagtapos kong maligo. Pinasadahan ko ang aking buhok ng suklay. Inaaninaw ko sa baba kung padating na ba yung sasakyan nila mommy. It's almost eight, lalamig na ang pagkain. Saan na ba kasi sila?
Pasko pa naman ngayon tas wala na naman sila. Kinakabahan ako na baka masayang ulit effort ko.
Last year kasi nagcelebrate ako magisa kasi nasa New York silang dalawa nun. Hindi sila nakauwi non at na cancel ang flight gawa ng Winter storm. I invited Sariah and some of my friends non to come over pero may kani kanila silang family to celebrate Christmas with kaya wala pa din dumating. Gusto ni Sariah na sa kanila na lang ako, kaso nawalan na ako nun ng gana kaya hindi na din ako lumabas ng bahay.
Pinatay ko ang oras ko sa pagsosocial media at sa pagreet greet sa iba kong friends habang naghihintay sa sala. I saw Marj's message, I greeted her din naman. It's Christmas but that doesn't mean I fully forgive her. May mga sumunod pa siyang messages pero hindi ako nagbother na buksan iyon. Kesa naman maseenzoned ko siya. Hindi ito ang oras para makipag chitchat.
Sa dami kong notifications isa lang agaw pansin doon.
Thaddeus Jerple De Guzman.
Inadd niya ako sa facebook. Siyempre hindi ko agad yun agad inaccept. I stalked his profile muna at katulad nga ng inaasahan ko halos mga beach photos ang pictures na nakatag sa kanya with girls, of course! Yung iba ay sa bar and some events.
Madami din siyang latest photo na kasama si Geneva. Hindi ko iyon masyado tiningnan ng matagal kasi kumikirot ang mata ko. Siguro kasi I envy Geneva's body? Err. I'm not sure. I love my body naman. Hay kung ganito makikita ko sa feed ko di ko 'to iaaccept.
Tsaka bakit pang banal naman yung pangalan niya pero taliwas sa kanya?
I stalked more hanggang makakita ako ng mga tagged photos sa kanya ng Furniture Encounters. Nakalimutan kong sabihin sa kanya na gusto kong maginquire ng prices ng mga furnitures nila nung nagpunta siya dito.
Nagsave ako ng ilang photos saka nagtype ng message sa kanya.
Me:
Magkano yung ganitong bed?
Online naman siya dahil naseen niya na yung message ko pero malayo na ata ang nabrowse ko sa timeline niya ay hindi pa din siya nagrereply. Nagtype muli ako ng chat sa kanya.
Me:
Wag mong mahalan yung price nagtatanong lang ako. Nag iisip ka pa yata e. Hehe.
Naseen niya ulit agad. But this time nagtatype na siya.
Thaddeus:
And you have the guts to chat with me without accepting my friend request?
Ayan yung reply niya doon sa una kong chat. Aba't attitude agad! Nagta type siya muli.
Thaddeus:
Osige. Ikaw na lang mahalin ko.
Napabalikwas ako sa reply niya doon sa padalawa kong chat. Mabilis akong nagtipa ng reply sa kanya.
BINABASA MO ANG
Take me Back (Euro Boys #2)
RomanceWould you take me back or take me with you? Euro Boys Series 2. De Guzman Completed. (May 11, 2020- October 11, 2020)