Dream
Hinampas ko ang balikat niya at tinulak iyon papabalik sa kanya upo.
A bark of laugh escaped from his mouth. Nagtataka namang tumingin ang magkapatid na Lagdameo sa amin. I looked away. Uminit ang pisngi at tainga ko. Gagong Thaddeus 'to.
Naughty man.
Napailing ako. Puro pa naman mga bata, pamilya at mga dalaga ang mga kasama namin sa shop. Tapos makakaramdam siya ng ganun?
Medyo maaga pa naman e. Kami lang yung mukhang medyo maedad. Ay sila lang pala.
Si Bryce mukhang nasa edad twenty five something na din e. So yes, I feel so young. Dapat pala mga ganito friends ko e.
"Sayo na lang."
Inabot ko sa kanya ang bawas ko ng ice cream.
"I-If you feel... if you feel... Ah basta, sayo na lang kung gusto mo. Saksak mo sa baga mo ha."
Nakangisi niya iyong tinaggap ng hindi nagdadalawang isip. Palagi niya naman kinakain yung mga pagkain ko e.
He licked it while looking straight to my eyes. Para bang iyon ang pinakamasarap na bagay na dinidilaan niya.
"It tastes sweeter. Taste mine." He said sexily.
Oh my gosh we are in front of his friends!
Napahilot ako sa ulo ko. Hindi, I don't feel the same!
Nilapit niya sa akin ang kanyang cup of Ice cream. I licked my lower lip. I want to taste his ice cream, too. Iba kasing flavor ang kanya. I want to try it.
"Ayoko na ng Ice cream. Nauumay ako," Aerrol act disgusted.
Bryce and Thaddues chuckled.
"Thadd, diba marunong ka tumugtog? You should play for us." si Bryce.
He pointed to the small stage in the middle of this Ice cream shop. May gitara dun tsaka mic with colorful lights.
"You should've heard him when he played a guitar with a band nun sa bar natin sa Elyu." si Aerrol.
"I can't remember na kung paano. So hell, no."
Humalukipkip ako. Ang ko-conyo ng mga kasama ko.
Sinipat ako ni Thaddeus at Bryce. Parang sinasabi sa akin na pilitin ko si Thaddeus tumugtog.
"Kung ayaw niya wag pilitin. Sinabi niya din dati na tutugtugan niya ako. That he wants to play with a band. Mukhang hindi naman."
"There is no band here, Elle."
Nagkibit balikat ako.
"Okay.. Maybe you really can't play o... baka hindi mo lang talaga kayang tumupad sa mga sinabi mo."
Sa totoo lang, hinahamon ko lang siya. Hindi namersonal. Baka kumagat e. Matagal ko nang gusto marinig siyang tumugtog. Nakatugtog sa La Union tapos nung kasama ako hindi!
Sinubo niya ang dulong bahagi ng cone at pinunasan ang kanyang mapulang labi.
Tumayo siya at yumuko hanggang sa lebel ng aking tainga.
"Watch me, love. If I played well tonight, sasama ka sa akin pag inaya kita." bulong niya.
"Saan tayo pupunta?"
He ignored my question. He stood up and went to the counter. Kinausap niya ang babae dun. Parang hesitant pa nga nung una yung babae e. Pero nakita kong naglakad sila papunta dun sa center stage.
BINABASA MO ANG
Take me Back (Euro Boys #2)
RomanceWould you take me back or take me with you? Euro Boys Series 2. De Guzman Completed. (May 11, 2020- October 11, 2020)