Brokers
Itinigil niya ang sasakyan sa isang convenience store. Luminga linga ako kasi hindi ito ang daan papunta sa amin.
"Where are we going? This is not the way home."
"I know. May bibilhin lang ako. If you wouldn't mind." aniya.
Lumabas siya ng aking sasakyan at iniwan ako sa loob. Hindi man lang hinintay ang aking pagtugon o kung may gusto ba akong ipabili. Napasapo na lang ako sa noo ko. Wala naman akong reklamo kung makisabay siya o siya ang magdrive pero pwede naman niyang sabihin sa akin yung plano niyang daanan muna dahil gusto ko ng makauwi!
Magugulat ka na lang bigla bigla siyang tumitigil.
Sinamantala ko ang pagkakataon habang bumibili pa siya sa loob. I opened my phone and tried to reach mom's number tsaka kay Dad. Kaso cannot reach sila. Siguro may kausap pa sila sa kabilang linya, maybe their client.
Nung dumaan si Thaddeus sa harap ng aking sasakyan ay tinago ko na ang phone ko sa aking bag. Mamaya na lang siguro pag nakauwi. Mas maganda pag personal.
Sinalampak ni Thaddeus ang kanyang katawan sa drivers seat at sinuklay ang kanyang magulong buhok papalikod. Medyo basa pa nga iyon. Nilagay niya ang isang plastic sa aking hita. Halos maitapon ko iyon pabalik sa kanya dahil sa lamig nito.
"Ano 'to?"
"Ice cream." aniya at pinaandar ang sasakyan.
He gracefully maneuvered the car out and started driving.
Umaawang ang aking bibig sa kanya, nagtataka. Siya naman ay hindi nag abalang lumingon sa akin at diretso ang tingin sa daan, giving me the perfect angle of his jaw.
I opened the plastic bag. May laman iyong tatlong solo pack na tig 475ML, isang double dutch, isang classic chocolate at isang cookies and cream.
"I'm not sure which one is your favorite. Kaya binili ko na lang yung available flavors nila." sabi niya.
"T-Thank you. What is this for? A treat because I passed? That's so sweet of you, Kuya." I sarcastically said the last six words.
"It's because you looked sad a while ago. Nung bumaba ako. Pero pwede din naman." aniya. "Ubusin mo yan, until you feel okay."
Tiniim ko ang bagang ko. Nakita niya siguro kanina ang reaksyon ko sa sinabi ni Kristoff. He's thoughtful. I gave him that.
"I-I'm okay naman. I'm not sad." I lied, trying to hype the tone of my voice. "But thank you for these. I appreciate it."
Palihim akong ngumiti habang tinitingnan ang mga ice cream. Naalala ko tuloy dati nung inaya ako ni Kristoff mag ice cream nung nakita niya ako sa simbahan na umiiyak. Men usually do this or sila lang magkapatid? Sa previous relationship ko puro heavy foods ang binibigay nila sa akin. No sweets. Kasing bigat ng naging sama ng loob na iniwan nila sa akin. Char.
Di ko din alam kung anong meron sa ice cream pero nakakagaan nga naman talaga to ng loob.
"Wear your seatbelts, Thaddeus. Ang bilis mo pa naman magpatakbo."
Nanlaki ang mata ko sa kanya. Napahawak ako ng mahigpit sa aking shorts. Kinakapa kasi niya ang seatbelt sa kanyang gilid habang nagoovertake. Talagang nagoovertake pa siya!
Tiningnan ko muna kung makakapa niya. Ano? Dahil ba hindi ito BMW kaya hindi mo makuha agad? Magkaiba ba yung pwesto ng seatbelt sa BMW mo? Hindi naman diba?
"Ako na, Thaddeus. Ako na. Keep your eyes on the road, dumb ass!"
Nagbend ako ng bahagya at lumapit sa kanya. I make sure na hindi ko mahaharangan ang view niya sa daan kaya bahagyang nakasandal ang aking pisngi sa kanyang matigas na braso. Takbong akala mo nasa NLEX tong lalaking to. Kala mo malawak ang daan. Makati lang to. Makati!
BINABASA MO ANG
Take me Back (Euro Boys #2)
عاطفيةWould you take me back or take me with you? Euro Boys Series 2. De Guzman Completed. (May 11, 2020- October 11, 2020)