Time
It flies so fast. Time pressure and it goes hand in hand with stress. Hindi mo na lang namamalayan ang mga araw at oras na dumadaan. Pakiramdam ko palagi kaming may hinahabol na panahon. Pero ngayon ang mahalaga ay masaya ka.
Lilipad kami papuntang La Estancia ngayon sakay sa kanilang private plane. Ang pinaka maganda na lamang na tinitingnan ko sa mga nangyayari ngayon ay ang ikakasal na si Sariah at Bryce. They've been through a lot. Especially Sariah, her relationship and trust issue with her parents, the Lagdameos and how it affected her love for Bryce. But look at them now, they will be one.
Sometimes, for us to be happy, we have to take risks. Kasi katulad ng palagi kong sinasabi sa sarili ko. Hangga't kaya, hangga't may panahon, palagi natin pipiliin ang magpatawad at magmahal.
Pero heto si Thaddeus. Galit pa din siya sa akin. Magkasama kami ngayon ngunit hindi niya ako masyado kinakausap. He was enraged by my meet up with his mom. Sumugod siya sa akin ilang minuto lang siguro pagkaalis ng kanyang Mama.
"I'm proud and beyond happy for them. All her life, I stood up as her Ate. But now my baby girl is getting married." I said, teary eyed.
Tumayo ako sa aking upo para tumabi at isiksik ang sarili ko sa kanya. Sinandal ko ang aking ulo sa balikat ni Thaddeus. Inangatan ko siya ng tingin at naabutan ko ang pag igting ng kanyang panga habang nakatingin sa bintana ng eroplano.
"Are you sad?" He asked but not looking at me.
"Of course. You're ignoring me. Ilang araw na ang nakalipas pamula nung nag usap kami ng Mama mo pero hanggang ngayon galit ka pa din."
"You didn't tell me. What if something happened to you? Akala mo ba makakadating agad ako, Elle?" Singhal niya.
"That's your Mom. I'm with your Mom. What made you think someone would hurt me."
He rolled his eyes and tiredly shook his head.
"Enough of this. I'm asking you if you are sad... sad that Sariah will get married first."
I gulped.
"H-Ha? Syempre hindi. Okay lang. Wala naman kaming usapan na dapat mauna ako."
"But you're older."
"You're way older than Kristoff right? Pero mauuna din naman siya sayo ikasal."
"Pwede naman natin yun maiba." He muttered.
"What do you mean?" Kinagat ko ang pang ibabang labi ko.
Hindi siya sumagot.
"L-Let's just be happy for them. We will get there."
I smiled. Bahagya kong hinila ang braso niya pababa. Ako naman ay umuna ng konti para maabot ang labi niya. I gave him a peck of kiss.
He licked his lower lip right after. He looked down on me. I'm pretty sure he's disappointed with my answer.
"Of course I'm happy for them. They are now making big decisions in life. Parang kapatid ko na din naman si Bryce. I'm more than proud as well. I should not feel sad but I am. I can't do the same with my girl. I am sorry." mababa at malambing niyang bigkas.
Parang binabasag noon ang kulungan ng luha ko.
I looked down. He actually can. Ako lang naman hinihintay niya e. It's not that I'm not ready. Of course I am. Matagal ko ng pangarap ang ikasal at magkaroon ng sarili kong pamilya. This is just not the right time to do it.
Umaasa pa din ako na mananagot sa batas ang mga Sanchez. Nanatili silang namamayagpag sa kabila ng mga kahayupan nila. Hindi din ako mapapanatag na palagi akong binabantayan ng kung sino at natatakot para sa buhay ko, ng pamilya ko. Lalo na kung bubuo ako ng sarili kong pamilya. Hindi ko kaya na habang buhay na ganito.
BINABASA MO ANG
Take me Back (Euro Boys #2)
RomanceWould you take me back or take me with you? Euro Boys Series 2. De Guzman Completed. (May 11, 2020- October 11, 2020)