Kabanata 3

323 8 10
                                    

Again

"Don't you have a review today?" mom asked.

Tinulungan ko siya sa paglilipat ng mechado naming niluto sa bowl.

"Actually I do have."

Pang TTHS kasi ang sched ko. So mayroon akong pasok pag sabado. But since, naka oo na ako kay Kristoff na pupunta ako edi push. Ngayon lang naman ako aabsent. Aside dun sa biglaan naming review kahapon na di ko inattendan. Tindi mo, Elle.

Nakalimutan din niya siguro na sabado ngayon. Akala ko saulo niya ang sched ko. Pero kahit kasi ako nakalimutan ko din e.

Hinampas ni mommy ang braso ko pero mahina lang. I laughed.

"You're not taking the review seriously ha. Malapit na ang board exam, Ellecia.".

"I know mom. Hindi ba pwedeng namiss lang kita palagi na lang kayong nasa ibang lugar ni Daddy pag umuuwi ako dito ng sunday at monday." yumakap ako sa kanya.

Ngumuso siya sa damit na inihanda ko sa may harap ng CR.

"Aysus. Namimiss pero aalis ka mamaya. Looks like you're dating someone now. Bakit hindi na lang kayo dito sa bahay magdinner mamaya." ngumisi siya.

I grinned back. "Tsaka na mom. When he's a bit older na."

"Ellecia Amor! I told you to stop dating boys! He's gonna break your heart."

"Hell nah."

Sinamaan ako niya ng tingin. I chuckled. She's always warning me about boys and dating boys. Masakit daw sa ulo and immature like that. She said I must choose someone who is responsible or more mature than me. Yung kaya daw ihandle ang ugali ko. Pero yung daddy ko five years younger naman sa kanya e mukha naman silang masaya. Mukhang nakaya naman niya ang ugali ni mommy!

And I want something like Dad. He listens to everything mom would say without giving her any foul words or judgements. He takes care of her, cuddles with her, roams wherever she goes. And he's more mature than mom! So enough of this age gap cause I don't give a damn.

I like Kristoff, period.

Nakatulog ako pagtapos namin kumain. Nagising lang ako sa tunog ng phone ko. Hindi ko nasagot iyon. Napabalikwas na lang ako na makita na si Kristoff ang tumawag.

There's also a text from him.

Kristoff:

Are you asleep? Sorry. I'm down here at the lobby area. But don't rush. Napaaga lang talaga ako.

It's already 5PM. Damn it. I immediately dialed his number.

"Kristoff, I'm sorry." Bungad ko sa kanya.

Mahina siyang tumawa at naiimagine ko ang paniningkit ng mata niya.

"It's okay, Elle. Take your time."

"You can wait here in our unit. Ugh, my parents are here naman. I'll call the receptionist sabihin ko paakyatin ka na lang." I offered.

Saglit na tumahimik ang nasa kabilang linya. Akala ko nung una at namatay ang tawag.

"Kristoff?" tawag ko.

"Yes? I mean no. Wag na, Elle. I'm okay here. Andito naman ako sa cafe dito sa baba. Wag mo kong isipin. Just take your time okay?"

"Hmm." I hummed.

Dumiretso na agad ako sa CR pagkatapos ng tawag para maligo. Habol habol naman ang tingin ni mommy at daddy sa akin nang humahangos akong tumawid ng kitchen.

Take me Back (Euro Boys #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon