Mahalin
Tatakbo na ako papasok ng Shangri-La. I couldn't reach Thaddeus. He's not answering his damn phone. It's past 4PM already. I'm not sure if he's still here but I'll give it a try. Magagalit yun sa akin for sure.
"Ma'am, saan ang Furniture Encounters dito?"
"Level 2 Ma'am. Sa main wing." sabi nung receptionist.
"Okay. Thank you."
I took the stairs since sa second floor lang pero bigla din ako nagsisi kasi medyo mataas pala 'to tas natapilok pa ako. Fucking wedge. Pagka-akyat ko ay nakita ko naman agad ang showroom nila.
Sinubukan ko siyang tawagan ulit pero cannot be reach na ang phone niya. Pumasok ako sa loob ng showroom at tinanong ang ang attendant dito.
"Sir, excuse me ask ko lang if andito pa po ba si Thaddeus De Guzman?"
"Si Mr. De Guzman? Ka aalis alis lang po niya. Bakit po?"
"Alam mo ba kung saan siya sunod pupunta?"
"Ang alam ko po may meeting siya sa board sa taas. Ano po ba kailangan niyo sa kanya Ma'am para pwede po natin ma-address?"
"Ahh. Mga what time kaya siya matatapos? Kasi dapat i-accompany niya ako dito e."
"I can accompany you na lang po." alok niya saka ngumiti.
Kinunot ko ang noo sa kanya. I know it's his job to accompany me pero si Thaddeus ang gusto ko. Kung bakit kasi mas pinili ko pa yung kapatid niya. Bukod sa nalulungkot ako sa mga narinig ko kanina I feel bad for making Thaddeus wait. Kahit gusto ko na lang maglupasay pauwi sa bahay namin.
"Maybe... I'll just wait for him." sabi ko.
Napakamot siya sa batok niya habang nakatingin sa parte ng aking dibdib.
"Pwede naman po Ma'am. Pero baka pagbaba niya ay sarado na po itong showroom. Hanggang 5PM lang po kami today. May special appointment po ba kayo sa kanya?"
Ang usisa ng lalaki na ito ha.
"Meron. Who can I contact so I can ask what time he'll be out?"
"Hmm. Maybe Ms. Geneva Sanchez, magkasama po sila kanina. But I don't think you can reach for her now. She doesn't answer calls."
"Then why are you suggesting her?" napairap ako.
"Sorry po. Kayo po siguro ang hinihintay ni Sir kanina pa. Akala ko po si Ms. Geneva kasi pagdating po niya umalis na sila." aniya.
Geneva again. Dito din kaya siya nagtatrabaho? But anyway ayoko na masyado magtanong pa about her. Nandito na din naman ako so much better if icheck ko na din yung funitures nila.
"Sige. Can you accommodate me na lang?"
His face lightened up.
"Sure Ma'am. Ano po ba hanap niyo? For living room, Dining, bedroom, pang outdoor and office. Or... jowa?"
Napatawa pa siya sa kanyang sinabi.
My face automatically turned into a poker face. Kakatawa yun? Pag ganito na hindi maganda ang pakiramdam ko baka may masabi kang mali masuntok kita.
"Uwi na lang siguro ako." I said sarcastically.
"Ay joke lang po, Ma'am. Sige ano po ba gusto niyo po makita muna?"
Nilagay ko ang aking kamay sa labi at nagpanggap na nagiisip.
"Pag jowa ano ba anong options niyo? Kasi kung ikaw naman e uuwi na lang ako."
BINABASA MO ANG
Take me Back (Euro Boys #2)
RomanceWould you take me back or take me with you? Euro Boys Series 2. De Guzman Completed. (May 11, 2020- October 11, 2020)