Kabanata 2

361 13 8
                                    

BMW

Panay ang pag aangat ng tingin sa akin ni Sariah habang kumakain kami sa Jollibee sa BGC. Katatapos lang din kasi namin magshopping sa Aura.

I know. She's curious about Kristoff. Ayaw lang niyang magtanong.

"He's Kristoff."

"Uhummm." she hummed saka sinubo ang balat ng chicken. "San mo siya nakilala? Madalas ka na ngayon sa Ridgemont? Kala ko nagrereview ka."

Aniya na parang tunog nanay.

"Nagrereview ako ha! Actually, don ko siya nakilala sa Sta. Cruz church. Para siyang kabute na basta sumusulpot at kilala niya daw ako ha."

"And you don't look bothered huh kahit para siyang kabute. Tell me, gaano mo na ba katagal kilala yan at pahalik halik na sa noo mo." aniya.

Agad naman nag init ang tenga ko.

"Mga anim buwan na din. Mabait naman siya and I made a background check! Wala naman siyang kaso at di siya kriminal. Tsaka nameet ko na yung family niya."

"Wow! May meet the family agad. Kahit na. Hindi mo pa din siya masyadong kilala. Tsaka ang bata bata pa non Elle. Mas bata pa nga yun sa akin e. Tapos di mo man lang pinapakilala sa akin." inirapan niya ako.

"Well, there's nothing to worry about naman Riah. Hindi pa kami, okay?"

Tsaka what's wrong if he's younger. Mas cute nga yung ganon e. Parang bumabata din ako. Parang refreshing. Young love.

"Oh? Kelan mo naman siya balak sagutin?"

Kumuha siya ng table napkin at pinahidan ang kanyang bibig na may spaghetti sauce.

"Hindi naman niya sinabing nililigawan niya ako kaya bakit ko siya sasagutin?" I shrugged my shoulders.

Bahagya siyang natigilan. Her eyes widened at me.

"Hindi ka nililigawan ng kumag na yon pero pahalik halik na?"

Napahilot ako bigla sa batok ko. Nahihiya. Si Sariah ay medyo traditional kaya wala itong sinasagot na manliligaw.

"Ehh. Kasi.... Paano ko ba sasabihin? Basta. Hindi niya sinabi na formally nililigawan niya ako pero sinabi niya sa akin na gusto niya ako. And you can see from his actions naman diba! Ayokong maging assuming. Kaya sinasabi ko na walang kami. We're more than friends pero hindi magjowa."

Kumunot ang noo niya. Nagbend siya ng bahagya at inabot ang aking noo saka dinampi ang likod ng kanyang palad doon.

"Si Elle ka ba? May sakit ka?" tanong niya.

Hinawi ang kamay niya.

"Tigilan mo nga ako." sabi ko.

"Eh kasi naman. Anong pinagsasabi mo diyan? Yung Elle na kilala ko hindi pumapayag na pinupuchu puchu lang siya ng isang guy lalo na ka pagka mas bata sa kanya. Hoy pumapayag ka talaga na nagdedate kayo at pinapanood ka niya ng laro niya ng wala kayong relasyon?"

"Oh e bakit naman? Di pwedeng getting to know muna? Anim buwan pa lang naman ah."

Napaawang ang bibig niya sa akin at napailing sabay hilot sa kanyang noo.

"That's not really you. Matagal na sayo yung tatlong buwan. Mukhang kakaiba tong Kristoff na to ah." saka siya ngumising parang aso.

Binato ko siya ng tissue.

"Kumain ka na nga lang diyan. Pagbayarin kita e. Di ka ba pinapakain ni Tito Justine? Nako kawawa ang magiging boyfriend mo Sariah pag puro fast food ang kinainan niyo."

Take me Back (Euro Boys #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon