Kabanata 27

264 8 2
                                    

Disturbed

"So Elle." aniya. "I heard you were absent for days."

Tamad niyang nilalaro ang kanyang buhok habang seryosong nakatingin sa akin.

"Yes, Sir?" patanong pa nga. "Nagkasakit kasi ako."

"Sabi nga ni Thaddeus. So do you feel better now?"

Tumango tango ako.

"Mabuti. Mukhang naalagaan ka naman niya ng maayos." ngumisi siya.

I blinked twice. Thinking Thaddeus might have told him as well that I stayed in his condo! Bakit pati yun nakwento ata? Pakiramdam ko ay namula ako. Mas lalong napangiti si Aerrol. Ngayon ko lang siya natitigan ng matagal at totoo nga, maganda talaga siyang lalaki. Dominant COO playboy ang dating niya.

"Hmm. So I bet the two of you are already dating?"

Umayos siya ng kanyang upo. Tinuon ang kanyang siko sa mesa. Mas umuna siya papalapit sa akin at pinanliitan ako ng mata.

So are we going to talk about us or work?

"Ha?" ayun lang lumabas sa bibig ko saka siy inirapan.

"Kasi dito sa company bawal magkaroon ng relasyon o magdate ang empleyado namin tsaka ang client namin." aniya.

"Ha?" ulit ko.

Mamaya iha-hatdog na ako ni Aerrol. Nafefeel ko. Mahilig pa naman ito mang bara.

"Di mo siguro binasa ng maayos ang contract." umiling iling pa siya.

"Binasa ko. Wala naman akong nabasang ganun?"

Di ako super sure kasi ang haba ba naman pati nung policy nila pero sure ako na walang ganun. Paano naman yung mga pag mag asawa na? May ganun ba talaga?

"So as I was saying, gusto ko lang itanong kung nililigawan ka ba niya o girlfriend ka na niya?"

"H-Hindi."

Umismid siya sa akin.

"Sure ka?"

"Why don't you ask him. Best friend kayo diba?"

"Hindi ko na bestfriend yun. Hindi na niya ako sinasamahan maglaro ng dota at mag xbox tsaka mag inom dahil busy na daw siya sa love niya. Ampota."

He pouted! I couldn't help but laugh. What the hell. Hindi ko din naman kinaya na nagmura siya. Ano kayo high school?

But... cute.

"Kaya kung ikaw yung love niya ay wala akong choice kundi alisin ka na sa trabaho."

Sumandal muli siya at dine kwatro ang kanyang paa.

"Hoy wala namang ganun ah. Ang babaw naman kung aalisin mo ako sa work. Wala naman kaming relasyon ni Thaddeus."

"Grabe naman kung itanggi mo ako, Elle." He said coldly.

Mabilis akong lumingon sa naglalakad na si Thaddeus papunta sa amin. Anong ginagawa niya dito? Wala ba siyang trabaho ngayon?

Tumawa naman si Aerrol.

"Eh kasi sabi niya bawal daw kahit magdate yung kliyente tsaka empleyado nila." sabi ko na parang nasusumbong. I even pointed Aerrol.. "Tatanggalin daw niya ako."

"Tsk. Aerrol. I'm gonna fucking punch you right now." He growled.

Umigting ang kanyang panga. Oops and that sounds real. Napatayo si Aerrol para lumayo pero natatawa pa din.

"Chill, binibiro ko lang si Elle. You should've seen her face. She denied you tapos nagsumbong siya sayo na parang baby."

"I did not!" pinandilatan ko siya.

Take me Back (Euro Boys #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon