Euros
Nakakabingi ang labis na katahimikan. Tanging ang malakas na ihip ng hangin at mga punit naming paghinga ang maririnig. Ang malakas na kalabog ng kanyang dibdib ay nararamdaman ko sa aking likuran.
"Thaddeus..." I called softly.
Himigpit ang yakap niya. Mas binaon niya ang mukha sa aking leeg. Lalo akong nahirapang huminga.
"Sinasabi mo bang pag aari mo iyang bahay na nakatayo sa tabi ng kaparangan na ito?"
"Pag aari natin." He corrected. "Atin ito."
He pointed to the meadow next to the mansion.
"At iyan."
Umiling iling ako. Marahan na kinalas ang kanyang kamay. Nanghihina siyang nagpaubaya. Tila ba alam niyang gagawin ko iyon.
Hinarap ko siya.
"Hindi. Wala ako, ni kahit katiting na lupa, naambag dito. Kaya kung isinama mo ako dito para ipakita at sabihin na bahay natin iyan ay hindi ko matatanggap."
"Hindi mo kailangan ng ambag dito, Elle. This was built and things have been made because I love you."
"Shut up!" Tinaas ko ang kamay ko para pigilan siya sa pagsasalita. "Halika na. Umuwi na tayo."
Humawak ako sa kanyang braso. Mataman niya lamang akong tiningnan. Wala balak na umalis o umibo sa tayo. Pero halatang nagulat siya sa sigaw ko.
"Are you not going to check what's inside?" He asked sadly.
"Siyempre hindi. Thaddeus, ano ba? Umuwi na tayo. Wala akong kailangang makita doon. Ayoko makita." Naiirita kong sabi.
He bit his lower lip. Matagal naiwan ang kanyang ipin sa labi kaya mamula mula ito.
"At least check it. You will love to see what's-"
"Sinabi ko na ayoko diba?" Putol ko sa kanya. "Bakit mo ba ito ginagawa ha? Bakit mo ito pinapakita sa akin? Itong bahay na ito. Itong kalupaan na ito? Para saan? Para makuha akong muli? Ha? O para ipagmalaki sa akin na kaya mong bilihin ang lahat. Kahit ako!"
"Hindi iyon ang dahilan kung bakit kita dinala dito."
"Eh ano pala? Kasi sa palagay ko pinapakita mo ito sa akin para makuha mo ako ulit e. For me to feel guilty. That you bought me a house and lot! Na bilang, boom, may bahay at lupa ka na. Pwede ka na tayong magbalikan at magsama habang buhay. Kasi ganun ang pakiramdam ko."
Inigting niya ang kanyang panga. Napahilot din siya sa kanyang sentido.
"Ano? Totoo diba? Akala ko naman matalino ka. Mayaman ka lang talaga, e. Ano bang naiisip mo at bumili ka ng ganyan akala mo ay makukuha mo ako sa ganyang bagay! Para makonsensya ako at wala na akong choice kundi bumalik na sayo? Kung gugustuhin ko man magkaroon ng ganito paplanuhin ko iyon sa gusto kong makasama talaga! Hindi iyong ganito."
His face darkened. His sighs got heavier. Ang kanyang dibdib ay mabilis na nagtataas baba. At ang kanyang panga ay igting na igting. Naririnig ko ang pagtatangis noon.
I swallowed the lump in my throat. Andami kong nasabi ay hindi ko na naisip ang mararamdaman niya. Ngunit hindi ko iyon babawiin. Ganun ang pakiramdam ko.
Kailanman ay hindi ako natuwa sa kahit anong bagay na hindi ko naman pinaghirapan. Hindi bale ang regalo. Ngunit ang ganito? Hindi ito iilang milyon lamang! Kahit maubos ako ay hindi ko ito mababayadan.
He handed me the key of his BMW. His eyes turned red. Taas noo siya ngunit nakababa ang tingin sa akin.
"Use my car. Ipapakuha ko na lang ang sasakyan sa tao namin pati ang susi sayo. Kumain ka muna bago ka umuwi. Maghahapon na hindi ka pa kumakain."
BINABASA MO ANG
Take me Back (Euro Boys #2)
RomanceWould you take me back or take me with you? Euro Boys Series 2. De Guzman Completed. (May 11, 2020- October 11, 2020)