Love me
"Hey." He caught my attention. "Start eating your food. Lalamig yan."
"Ha?" tiningnan ko ang pagkain na nakahain sa harap ko. "Ah. Okay."
Lutang na lutang ako sa byahe kanina. Paulit ulit umiikot ang mga salita niya sa utak ko.
Grabe.
"Ayaw mo ba niyan? What do you want? We'll order something else."
He checked again the menu. Inabot ko iyon at marahan na binaba para tingnan niya ako. I shook my head.
"Wag na. Gusto ko ito. Sinigang na baboy is my favorite." saka ako ngumiti sa kanya.
He smiled back at me. Tinulungan din niya ako sa paglalagay ng sabaw sa aking bowl. Medyo mainit pa kasi.
Humigop ako doon. Kinilig ako sa asim! Maasim na mahang hang ang luto dito. Steak ang kinakain niya. Pinapanood lamang niya akong kumain ng sinigang mag isa pero hindi niya iyon tinikman? Para sa akin lang ba itong malaking bowl ng sinigang? Dapat hati kami.
"Hindi ka kumakain nito?"
"Hindi ko pa natitikman."
"Ha? Bakit naman? Sayang naman ang twenty years of existence mo kung di ka pa nakatikim ng sinigang na baboy."
Natawa lamang siya. Ayaw ba niya? Baka naman nahihiya lamang siya. Naku, sa sarap ng sinigang ay wala dapat ikahiya.
"Sige teka. Bubuuin ko 'yang kulang sa pagkabata mo."
Kinuha ko ang aking kutsara at nilagyan iyon ng sabaw. Hinipan ko muna ng konti kasi medyo mainit pa saka inilapit sa kanyang bibig ang kutsara. Mamumutawi mo ang pagkagulat sa kanyang mata.
"Tikman mo." utos ko sa kanya.
"But that's your food."
"So? Andami nito. Bawal tayo mag share?"
"Wag na Elle. Pag nasarapan ako diyan ma-uubusan ka."
"Hati tayo syempre. Sige na. Tikman mo na."
Mas inilapit ko sa kanya ang kutsara ko. He licked his lower lip before sipping the soup. Akala ko laway conscious pa e. I waited for his reaction. He licked his lower lip again.
"It's sweet."
"Anong sweet ka diyan! Sa asim nito at hanghang?"
Sumalok ako sa bowl at tinikman muli. Hindi naman matamis? Magkaiba ba kami ng taste buds nito? Magulo ba yung sa kanya?
"Ay wait nga lang lagyan natin ng laman."
Hinati ko sa maliit yung karne na lahok ng sinigang at inilagay iyon sa kutsara saka inialok muli sa kanya.
Iniuna lamang niya ang kanyang katawan saka isinubo ang laman ng kutsara. I watched him chew it. The movement of his jaw felt like he was chewing a hard thing. Ang soft kaya ng karne.
"Sinigang is the best right?" I asked.
"Yes, it is. Lalo na pag galing sayo." aniya.
"Lalo na kung ako nagluto nito."
"Ipagluluto mo ba ako ng sinigang, Elle?"
"Aba hindi na syempre. Nakatikim ka na e. Buo na ang kulang sa pagkabata mo."
I laughed. Ngumisi naman siya.
"Edi yung kulang sa pagtanda ko naman ang buuin mo."
Halos maibuga ko yung iniinom kong tubig sa kanya. Umubo ubo ako para hindi mahalata ang pagkagulat ko.
BINABASA MO ANG
Take me Back (Euro Boys #2)
RomanceWould you take me back or take me with you? Euro Boys Series 2. De Guzman Completed. (May 11, 2020- October 11, 2020)