Kabanata 22

241 9 0
                                    

Comfortable

Dalawang linggo na pamula ng nagsimula akong maging part ng Operations team ng LAGDA. Nangangapa pa din ako pero magaling naman yung nagtuturo sa akin. Mag kahiwalay kami ni Kristel, sa Air siya naassign at ako naman ay both Air and Sea kaya medyo nalilito pa ako. Isang account lang din ang hawak ko, yung kay Thaddeus lang. May ipapahawak pa daw sa akin na iba pero kapagka sanay na ako.

And speaking of Thaddeus, I never heard anything from him after our last conversation. Dahil din sa kanyang shipments ang handle ko nalalaman ko yung prices ng raw materials and nung mismong products nila! Araw araw akong naguguilty. Araw araw akong nahihirapang matulog sa higaan ko! Dahil nakikita ko kung gaano kamahal ang nagagastos nila para sa produkto nila. Tapos ibibigay niya lang sa akin? Nak naman ng tokwa oh!

Nabenta na din nila mommy yung dati naming gamit. Kailangan daw kasi nila ng pera pambili sa bagong oil essentials na gagamitin nila sa irerelease nilang bagong pabango. Hindi ko tuloy masabi ang sitwasyon ko ngayon sa mga gamit namin sa bahay. Gusto ko na yung ipaalis!

"Elle, ano na. Kaen na muna tayo. Nagugutom na ako." yakag ni Kristel sa akin.

Lagpas 12:30pm na at hindi pa kami naglulunch. Kanina pa din siya naghihintay sa akin. May nila-lodge pa kasi ako.

"Wait lang bes. Una ka na kaya? Andami kasi nito e."

"Nako hindi aalis yang trabaho Ellecia. Kumain muna tayo."

Siya na mismo ang nag ayos ng gamit ko sa mesa saka ako hinila papaalis ng office. Mukhang gutom na nga ang ating ate girl. Dahil masyado pong yayamin si Kristel ay hindi kami lagi sa canteen kumakain. Pag wala siyang gusto ay sa mga restau sa malapit lang din naman ng building kami kumakain.

So dahil naghintay siya, sure ako sa pang masarapan kami kakain. Kaya ayun mas lalo nauubos yung ipon kong pera. Hindi ako lalo makakabayad nito kay Thaddeus. Mas gusto ko na malubog sa utang kesa kagatin yung 'Love me' niya. Ack! Naaalala ko na naman.

"I'll have light meal lang. Nalipasan na ako e. Pero pwede na po ito." sabi ko sa waiter.

Turo ko sa Mashed potato with steak.

"Hmm. Puro rice meals. Meron ba kayong ramen?"

Nagulat ako sa tanong niya sa waiter. Talagang naghanap pa siya ng ramen e 30 minutes na lang kami kakain bago pa yun maluto.

"Meron po Ma'am."

"Okay. Ayun ang akin." si Kristel.

Sabagay mabilis to kumain. Keri namin makaabot bago mag 1PM kung mabilis din maluluto. Malakas din siya kumain. Super, tapos hindi naman tumataba.

"Hoy Elle. Sobrang dedicated mo naman sa work. Feeling ko pumayat ka ng 3 kilos agad e 2 weeks pa lang tayo nagwowork. Hindi ka naman kumakain ng maunti e."

Ay ako din pala.

"Eh kasi napepressure ako. Feeling ko antagal ko na tas ang bagal ko pa din."

"Girl, hindi naman ito karera." She rolled her eyes. "Two weeks pa lang tayo. Two weeks. For sure naman may improvement na tayo sa span na yun. Nasa adjustment stage pa lang tayo."

"Opo inay." Tumango tango ako.

Binato niya ako ng tissue at parehas kami natawa.

"Diba you're handling Thaddeus shipments? Tell me pinapahirapan ka ba nun. Papaaway ko yun kay Kuya."

"Nako. Mabuti na nga lang hindi ko pa siya kakakacommunicate sabi nung nagtuturn over sa akin ay kapagka nagkakaproblema kung kargamento ay si Thaddeus na daw mismo ang nakakausap at hindi na yung mga customer service nila."

Take me Back (Euro Boys #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon