Kabanata 4

287 15 8
                                    

Katabi

"No one would take my girl home again... aside from me." Kristoff equipped.

Lahat kami ay napatahimik. At kahit si Aerrol na tumatawa ay tumahimik.

Did he just call me his girl? Shit. Let me hear it again. Wag kang tumahimik din diyan Kristoff.

"Okay, then. Ingat Elle." madiin ang pagkakabanggit niya sa aking pangalan. "Don't try to invite him, he's not in the mood." panunuya pa ni Thaddeus.

Ngumisi siyang parang aso!

I bit my lower lip. Why does it feels like gustong gusto niyang manginis ng ibang tao? Seriously, I wanna raise my middle finger to him right now. Pinipilit ko lang gumanda ang imahe ko dito.

"Ma, una na kami. Hatid ko muna siya so she can rest early." sabi niya kay Tita Veronica.

He did not wait for Tita's response. Bumaling agad siya sa akin.

"Babalik ka ba sa Sta Cruz bukas or sa monday na?"

"I'll be back on tuesday morning I guess. Gusto ni mommy lumabas muna kami nila Daddy. So maybe we'll date tomorrow or on monday. Why?"

Malakas na inilapag ni Tita Veronica ang kanyang kutsara at tinidor sa mesa. Parehas namin siya nilingon.

"Abarquez." mariin ngunit mahina niyang bigkas.

"Yes, T-Tita?" tanong ko.

Akala ko ay tinatawag niya ako kaya napatanong ako pero inignora niya ako.

Pinaling ni Kristoff ang aking ulo papaharap sa kanya. Hindi ako makatingin ng maayos sa kanyang mata dahil naiisip ko ang hitsura ng kamay ni Tita Veronica na parang gusto niyang lusawin ang kubyertos sa kanyang pagkakahawak. And she mentioned my surname, what's the deal at mukhang bigla siyang nagalit sa akin.

May nagawa ba ako?

"Alis na kami, Tito Allan." Paalam ni Kristoff sa lalaki sa dulo.

"Okay. Mag ingat kayo." sabi nito. Hilaw itong ngumiti sa akin.

"Bye ate Elle. Balik ka ulit dito next week ha?"

Bahagya akong nagbend para mayakap ako ni Vani.

Siguro wala siyang makausap dito or makalaro dahil puro lalaki ang kapatid niya. At ang lalayo ng age gap nila ha. Sunod sa family planning! Mukhang itong si Thaddeus lang yung medyo matagal bago nasundan.

"I'll try. Okay? You have my number. You can call me anytime."

"Okay. Sure!"

Tumayo ako ng tuluyan at isinukbit sa aking balikat ang aking sling bag.

"Send my regards to your parents.... especially to your mom." Tita Veronica emphasized 'mom'.

Pinilit niyang ngumiti sa akin. Napangiwi ako pero katulad niya, pinilit kong maging ngiti iyon. Akala ko pa naman kanina okay na? Bakit parang nakakatakot na ulit ang pagsasalita niya. Maybe mabilis yung shifting ng moods niya. But at least she's trying.

Kilala ka niya si mommy? Or may mutual friends kaya sila? Nabanggit ko na naman before that I'm dating a De Guzman pero wala naman sinabi sila mommy na may kakilala silang ganun.

Feeling ko kasi siya yung amiga na boring kausap.

"Yes po, Tita Veronica. Thank you for inviting me. Thank you din po Tito Allan. Mauna na po kami."

O diba akala mo close na close? Tita and Tito na agad wala namang formal introduction.

Bumaling ang tingin ko muna kay Aerrol. "Bye Aerrol, see you around.... and you too, Thaddeus."

Take me Back (Euro Boys #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon