Prolong
Gabi na ako nagising. Ginising lang din ako ni Mommy para kumain. Bumaba na ang lagnat ko. Hinahanap ng aking mata si Thaddeus.
"Pinauwi na namin siya. Magtetext naman daw siya kung nasa kanila na siya." sabi ni Mommy.
Tumango ako. Mukhang wala na nga siya dito sa bahay.
Si Daddy naman ay nakatingin lamang sa akin. Tila ba pinagmamasdan ang aking magiging reaksyon. Uminom lamang din ako ng gamot ng gabi na iyon saka natulog na.
Lalo na nang makita ko na nagtext si Thaddeus na nakauwi na siya.
Pumasok na ako sa office kinabukasan. Wala din naman magagawa sila Mom at Dad kahit gusto nila ako magpahinga muna. Madami na naman trabaho. Kung hindi ako papasok ay mas mai-stress lang ako pag tumagal ang sick leave ko.
Nadeliver na din namin ang shipment na pinapa urgent niya. After nun, bumalik na ulit ang coordination nung mga current and incoming shipments sa Account Coordinator ko.
I was left wondering what were the items inside of it. Since specified naman sa commercial documents ang laman ng shipment na yun chineck ko na lang sa internet. These are the items that I sent to him last Christmas. Yung ininquire ko na limited items pala. Mukhang matapos madeliver e tinan-tanan na niya ako.
Ilang linggo na din akong hinihintay palagi ni Thaddeus sa parking. Tapos hinahatid niya ako papaakyat hanggang office. Katulad ng dati. Mayroon din siya palaging lutong pagkain for my lunch. Binilhan din niya ako ng supply ng gamot at Vitamins. Para naman ako nitong may Sugar Daddy e! Pinag uusapan tuloy kami sa office.
Hinayaan ko lamang siya. Hindi din naman kami gaano nag uusap. Inaasahan kong titigil din naman siya. Katulad ng dati. Na nauwi lang sa...
Ako ang napapagod sa ginagawa niya araw araw. Aalis siya ng maaga sa kanila para dumaan dito sa Lagdameo building. I don't know if he cooks so early o may nagluluto ng dinadala niyang pagkain sa akin.
Pagkahatid niya sa akin ay hinahapit niya ang aking baywang saka siya humahalik sa aking noo. Palagi niya iyong ginagawa. Paminsan natutulala na lang ako. Napapagod na akong itulak lagi siya. Pag aalis na siya tumitingin siya sa ibang mga empleyado na parang sinasabi niya na "Akin 'to."
Sa hapon naman hindi na ako nag eexpect sa kanya kasi mukhang hindi naman siya umuuwi ng maaga. Pero pag naaalala ko 'yung nangyari dati, tapos maiisip ko na naman na magkatrabaho ulit si Geneva sumasakit ang ulo ko. Palaging iyon ang nagho-hold back sa akin. Naniniwala akong hindi malabo na maulit ulit yun.
Good thing about this is that Sariah is now part of the LLGC. A lot happened already, LCB na din siya. I'm the proudest! Para naman niya na akong second mom.
She had her first job na din na mabuti na din at nagresign na siya sa nauna niyang company. Pag nandito siya, mas mababantayan ko siya. Lumipat din muna ako sa kanila kahit malayo ang byahe ko from Paranaque to Makati. Bigla ba naman kasi umalis si Tito Justine ng walang sabi sabi.
Alam kong may alam si Mommy dito. Kasi pinapapatira niya si Sariah sa bahay. At nasa kanya ang card ni Tito. Mukhang alam din niya na aalis na that day si Tito kaya biglaan kami sumugod sa bahay nila Sariah. Mas lalo ako nagdecide na magstay muna with Sariah dahil palagi lang din kami nagtatalo ni mommy.
Hindi ako sigurado kung alam ni Daddy pero mukhang hindi din naman niya sasabihin kung oo.
Bumalik lang ako ngayon sa bahay para kumuha ng iba pang gamit. Kakaunti lamang ang damit ko kila Sariah.
"Heto na naman kayo Ma, e. Naglilihim na naman kayo sa akin. Obviously alam mo kung nasaan si Tito Justine. Bakit hindi niyo pa sabihin na lang kay Sariah? Nahihirapan na siyang maghanap kay Tito. Ang laki na ng ipinayat niya sa stress. Alam niyo naman na iniwan na nga din siya ni Tita Alex e."
BINABASA MO ANG
Take me Back (Euro Boys #2)
RomanceWould you take me back or take me with you? Euro Boys Series 2. De Guzman Completed. (May 11, 2020- October 11, 2020)