Kabanata 35

227 10 9
                                    

Ako

My Dad's enraged. Pagkauwi ko galing trabaho ay maya't maya ang pagtunog ng telepono niya. Nakapamaywang at maririnig mo ang pagkadismaya sa kanyang mga buntong hininga. Habang si mommy ay hinihilot ang kanyang sentido na nakaharap sa kanyang laptop.

Kung hindi pa ako gumawa ng kaunting ingay ay hindi nila ako mapapansin.

"What happened?" mahina kong tanong ng mapalingon sa akin si mommy.

She gave me a wry smile and wagged her hand.

"Magpahinga ka na. Kumain ka na ba?" She asked.

Kinunot ko ang noo ko. Heto na naman tayo e. Nakikita mo na mismo na may problema pero umaarte na naman silang wala.

Binaba ni Daddy ang kanyang cellphone at hinagis iyon sa mesa. Magkaharap silang dalawa. Nagtinginan sila na parang nag uusap gamit ang kanilang mata. Umiling si Daddy.

"What now? Maglilihim na naman kayo sa akin na parang hindi ako parte ng pamilya? I know there is something going on. Come on. Spill it."

I crossed my arms over my chest. Tumayo din ako sa dulo ng mesa na ginagawaan nila ng pabango para pagit-naan sila.

Mabagal na tumango si Daddy kay Mommy habang hinihilot pa din ang kanyang sentido. Mukhang frustrated at sobrang stressed siya.

I waited for my Mom's confession. But she's too afraid to speak up. Oh gad she nags a lot tapos ngayon ay nag aalangan siyang magsalita.

"Mom-"

"Our business is going down. Eighty percent of our clients pulled out their orders, contracts and deals with us." si Daddy na mismo ang nagsabi.

Tumayo siya. Pure sadness and frustration are both visible in his movements. Hinagod niya ang buhok at nagpamaywang habang tinitingnan ang ilang box na pinake nila sa loob ng isang linggo. Apat na supplier ang dadalahan nito. Ni-pull out din nila?

"H-How about our other clients? Tatanggapin-"

"There's a chance na mag pull out na din sila sa atin any moment."

"What? Why of a sudden? Sabay sabay ba? For sure they have reasons-"

Tumunog muli ang cellphone ni Daddy. Sumulyap muna siya sa akin saka tiningnan nang matagal ang kanyang phone.

Kumakalabog ang dibdib ko. Pakiramdam ko kliyente muli ito. Pag nagpull out din ito, this is not happening suddenly anymore.

Mabigat niyang kinuha ang phone niya. Sinagot niya muna ito bago tumalikod sa akin at lumabas ng aming bahay.

I parted my lips. Marahan akong nagpakawala ng buntong hininga. Tumayo si mommy para lumapit sa akin. She tapped my back. Inaanyayahan akong yumakap sa kanya. I hugged my Mom's back. Mabibigat ang kanyang paghinga.

This is so heavy for us. Nung naalis sa trabaho si mommy at daddy ilang beses din nilang sinubukan ang trabahong ito hanggang makakuha sila ng kliyente. Inabot din iyon ng taon bago may magtiwala sa kanilang mga gawang pabango na walang pangalan.

My parents are happy and contented with it. Pero hindi palaging nasa baba. Lahat ng nasa baba ay itinataas. Hindi pa nga ganung katayog ay ngayon ay lumalagapak na naman. At sigurado ako kung bakit...

"Mom, for sure, this is Tita Veronica's-"

"Shh."

Hinagod ng mainit niyang kamay ang aking likod.

"This is not the right time to finger point. For now, we have to find other clients who will cater these orders."

"I'll help. Don't be sad ha. Hindi naman ito pagkain at perishables. Makakahanap tayo agad. Don't worry about expenses, okay?"

Take me Back (Euro Boys #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon