Kabanata 1

661 14 0
                                    

Dinner

"De Guzman! Three points mo na, De Guzman!"

Everyone is cheering his name. Mostly are girls of course. Kahit mga taga school namin chinicheer din siya. Dalawa na lang ang lamang ng school namin sa kanila at last minute of the quarter na!

I'm getting annoyed actually. Ang iingay ng mga babaeng 'to. Hindi ko din siya masyado mapanuod dahil ang daming tayo ng tayo sa unahan ko.

Hindi ako masyadong mahilig manuod ng basketball. Pag required lang. Kahit yung mga nanliligaw sa akin dati ay hindi ko pinapanuod maglaro. Pinilit lang ako nitong De Guzman na to. Tsaka tingnan ko na din ang pinagmamalaki ng school namin na players. At syempre, kung paano siya maglaro.

He better win this game. Nag skip ako sa review today para lang mapanood to.

Dahan dahan lumingon sa direksyon ko si Kristoff at.... Ngumiti? Saka nishoot ng bola. Dang! He's really good huh. He played well.

"Pasok!!!" sabi ng announcer sabay ng tilian at talunan ang mga babae sa katapat naming bleachers.

Kahit ako ay napasigaw din. Lamang ng isang puntos ang Ridgemont sa school namin ng matapos ang laro.

Kahit natalo yung school namin ay di mo maipagkakaila na masaya pa din sila. Minsan pag may gusto talaga silang player kahit kalaban ng Wyatt win-win pa din e. Napailing na lang ako. I remember the days with my friends. Andami nilang crush dati na players. Ayun literal na mga player nga.

Naagaw muli ang atensyon ko ng mag hagikhikan ang mga babae sa harap ng dinadaanan ko. Pababa na ako ng bleachers. Tiningnan ko ang kinakikiligan nila at para akong natuod naman sa aking tayo. Tumatakbo papalapit sa direksyon ko si Kristoff, ngiting ngiti. Parang tatalon ang puso ko papalabas sa dibdib ko sa ganda ng kanyang ngiting isasalubong sa akin.

Bumagsak agad ang labi niya sa noo ko. Hindi ko alam kung malakas lang ba ang kalabog ng dibdib ko kaya wala akong naririnig o tumahimik lang talaga ang paligid. Hindi din ako sure kung ako ba yung naglaro dahil ako yung pawis na pawis.

"Nahalikan mo yung pawis ko." ngumuso ako.

Ngumiti siya at nagbend sa aking lebel. Tinuon niya ang dalawang kamay sa kanyang tuhod. Can you stop smiling?

"You came, Elle. Thank you." he whispered.

Kristoff Ej De Guzman. We started dating six months ago. He's one of the varsity players of Ridgemont International School. Mayaman, matangkad, siyempre gwapo. Like the usual basketball players. You know. Masyado din matunog ang pangalan niya sa school na 'to. I think I don't have to explain why pa.

At ako naman ay isang Alumni sa Southern Wyatt University. Graduate ako ng Customs Ad at kasalukuyang nagrereview ngayon para sa board exam namin sa November.

Hindi naman namin tinatago ang relasyon namin and I guess we don't have to. Dahil wala naman kaming relasyon. Wala pa... Dating stage pa din, as in. Pero parang mapapaaway ako palagi.

That's why mailap kami sa mga tao. Dahil ayoko ng tsismis.

Sikat siya oo, pero hindi naman ako natatakot sa mga kung ano anong pambubully na pwede kong matanggap katulad sa mga nababasa niyo!

Bukod sa graduate na ako sa school. Matanda na ang tingin nila sa akin. Bakit?

I'm three years older than him. So yes, he's just eighteen and these girls are acting like chinild abuse ko itong lalaking to! He's eighteen already! Anong gusto nila mga edad nila yung i-date tapos magtotoyo sila? Kids, grow up.

Nagpatuloy ang bulungan ng mga nasa bleachers habang dumadaan kami papalabas ng Ridgemont gym. Ngunit hindi na iyon bago sa akin. Pero hindi ko masabi na sanay na ako. Dahil hindi.

Take me Back (Euro Boys #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon