Kabanata 36

224 8 1
                                    

Tapos

"M-Ma'am Elle, sorry po."

Lumapit sa akin ang isa sa mga declarant na pinag turn overnan ko ng mga shipments ko before.

"Yes, Marisol? Ano yun?"

I clicked send before focusing my whole attention to her. Nagcocompose kasi ako ng email kanina.

"Pwede po bang tulungan niyo po akong makipag usap kay Mr. De Guzman?"

Both of my brows shot up. Matagal ko ng iniwan ang Account na iyon. Matagal ko na ding iniwasan ang communication sa kanila. Kaya bakit naman ako papayag na makipag usap ulit sa kanya?

His account was turned over already! Pero naaawa na ako kay Sol bilang ilang beses na siyang nakiusap sa akin ngayong araw. This has been rolling over a day.

"Ano bang nangyari?"

Kaya hindi ko na napigilan na hindi itanong. She advanced. She doesn't want anyone to hear what she's going to say. Neither I! Ayaw ko na ngang naririnig ang pangalan niya pero hindi mo talaga maiiwasan e.

She massaged her nape. Mukhang nahihiya.

"Nagkulang po ako ng compute sa duties and taxes. Hindi siya ngayon magkaroon ng final assessment sa customs."

This thing is normal. Nangyayari naman talaga ang ganito. Kasi kahit gaano ka ka galing sa computation pag mali ang nakaprogram sa excel file mo paminsan hindi talaga naiiwasan. Di na nado-double check. Pero hindi ito dapat tino tolerate.

"Magkano lang ba? Magrequest ka sa accounting kung magkano ang kulang para mabayadan ng processors at mailabas na yan."

"Urgent na urgent daw po kasi ito, Ma'am." dagdag niya.

Lahat naman ay urgent sa company na yun. Kailan ba niya maiintindihan na ginagawa naman ng mga tao namin ang lahat para maexpedite ang processing!

"E anong gagawin niya kung nagkulang nga. Sabihin mo maghintay siya." I said with no humor.

Ngumiwi naman siya. Bakas na bakas ang kaba sa kanya. Ganito din ako dati e.

"Ma'am, almost Fifty thousand pesos po ang kulang ko sa compute."

My jaw dropped. Napasapo ako sa noo ko. I leaned my body against the back of my seat. That's a large cost. Parang wala pa akong nababalitaan dito na may ganitong kalaking kulang. Mostly eight to ten thousand lamang.

Mahirap makarequest ng pera sa accounting pag ganun kalaki. Para kang nagbayad ng isang buo para sa ibang shipments!

"Fifty? Alam ba niya iyan? E magagalit talaga si Thaddeus niyan." pagsang ayon ko.

Namutla naman siya. I wagged my hand at her. I don't want to cause her any reason for her to resign. Pailan na namin itong hire para maghandle ng account niya pamula ng alisin ito sa akin!

"Sige. Sige. Ako na ang makikipag usap sa kanya."

Nabuhayan siya ng loob. Her eyes were restless. Mukhang nastress talaga siya. Ngayon lamang nabuo ang loob niya na sabihin sa akin at ngayon lang din niya nakuha ang loob ko na makinig.

Iwas na iwas ako lagi sa account ni Thaddeus na 'yan.

Mabilis dumaan ang magihit isa't kalahating taon. Hindi mo mamamalayan magdadalawang taon na pala ako dito sa Lagdameo Logistics and Group of Companies. Akalain mo tatagal ako dito.

I've been designated as one of the Assistant Managers of the ocean department. Although naghahandle pa din ako ng mga Air shipments na nominated. They said they will appoint me as the Manager of both Air and Sea kung mag excel pa ako. Kaya pinag bubutihan ko ang trabaho ko.

Take me Back (Euro Boys #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon