- Shara -
"Saan pala tayo pupunta?" tanong ko kay Jino matapos namin sumakay sa kotse niya.
"Secret, basta makikita mo na lang mamaya." sambit niya sabay ngiti.
Nagkibit-balikat na lang ako saka lumingon sa bintana ng kotse at pinagmasdan ang paligid.
Halos lahat ng sasakyan na nakikita ko ay tila mga nagmamadali, ang iba ay bumubusina pa.
Siguro papasok na sila sa kani-kanilang trabaho.
Samantalang ang iilan naman ay makikitang inip at pagod na sa kakahintay ng mga sasakyan na papara sa kanila.
Sobrang gulo at busy ng mga tao dito sa syudad.
Ilang minuto pa ay parang nakaramdam ako ng antok. Hanggang sa unti-unti na akong napapikit at nakatulog.
----------
"Shara, wake up." rinig kong tawag ni Jino sa akin sabay tapik ng balikat ko.
"Andito na ba tayo?" tanong ko sa kaniya.
"Not yet, but we're almost there. And I want you to see and enjoy the view bago tayo makarating." sambit ni Jino sabay ngiti sa akin.
Agad naman akong lumingon sa paligid, teka puro puno at bukirin na ang natatanaw ko.
Nasaan kami?
"Nasa Tanay, Rizal na tayo." saad ni Jino ng mapansin siguro niya na bakas sa mukha ko ang pagtataka at pagkamangha.
"What? Seryoso. Kaya pala ang ganda ng paligid, ang tahimik at walang usok na mula sa mga sasakyan." sambit ko sabay lingon sa kaliwa't kanan ko.
Maya-maya pa ay bigla ibinukas ni Jino ang bintana at bubong ng kotse niya.
Kaya mas lalo akong namangha at natuwa sa paligid.
Sobrang refreshing ng simoy ng hangin.
Makikita din ang iba't ibang hayop na nakakalat lang sa bukirin, may kambing, kalabaw, baka at kung ano-ano pa.
Tapos tanaw na tanaw ang mga luntiang puno na hitik sa mga bunga.
May mga maliliit na bundok din na kulay berde dahil sa mga damo at halaman sa paligid nito na talaga namang bumagay sa asul na kalangitan.
At kahit maaraw ay hindi ganoon kasakit sa balat ang sinag nito.
Sobrang ganda naman dito.
"Are you happy?" narinig kong tanong ni Jino sa akin sabay hawak sa kaliwang kamay ko.
Agad ko naman siyang nilingon at nginitian.
"Sobra, thank you for bringing me here." sambit ko sa kanya.
"No, thank you for allowing me to bring you here. Let's enjoy this day together." saad niya saka niya hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.
His big hand fits perfectly with mine, sakop na sakop. Feeling ko safe na safe ako.
Ilang minuto pa ay huminto na ang kotse ni Jino.
"We're here." sambit niya.
BINABASA MO ANG
Malay Mo, Tayo [COMPLETED]
Romance"Malay Mo" is a heavy word. It somehow gives hope to you, even if you know that it is impossible. Na baka meron, baka pwede, baka sakali. Kasi malay mo, tayo sa huli.